Chapter 16

49 1 0
                                    

Chapter 16

Why would I need to avoid him? We're strangers. We already forgot our past. I don't want to overthink, I don't want to assume that he's still inlove with me.

Stop it, Cahira.

This is non-sense.

Masaya na siya sa baklang 'yon, kuntento na siya sa kung ano ma'ng mayroon silang dalawa. Hindi dapat ako manghimasok pa. Mali itong iniisip ko, maling-mali.

"Cahira, may ipapakiusap sana ako."

Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo dahil biglaan ang pagpasok ni Kesden sa aking opisina.

"A-Ano ho 'yon?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang suot kong palda.

"Baka pwede mo akong ihingi ng discount, tutal Tita mo naman siya."

Gusto kong matawa sa aking narinig. For real?! This f*cking rich gay is asking for a discount? Duh, nakakahiya naman siya. Hindi dahilan yung Tita ko para sabihin niya 'yon.

Pero dahil mabait ako, sige na nga at pagbibigyan ko na siya.

"Fine." pinipigilan kong hindi matawa.

He rolled his eyes atsaka umalis.

DISCOUNT?

Seryoso ba siya? Hays, isa na namang task ang dapat kong magawa. Kailangan kong mahingian ng discount ang baklang 'yon kay Tita Jackie.

Naghihirap na ba siya?

****

Alas sais na, I need to go home. Maaga pa akong papasok bukas upang paghandaan ang anniversary ng CelebShine. Sigurado akong papahirapan ng husto ni Kesden ang Tita ko, kaya kailangan kong tumulong.

Naglalakad ako papunta sa labas when someone bumped into me. Nagmamadali siya, kung kaya't hindi na niya nagawang pulutin ang cellphone niyang nahulog. I choose to keep it, mukhang may urgent meeting ata ang lalaking 'yon.

I saw his wallpaper. Wow, he's good-looking and tall. Bright eyes, at sobrang lalim ng dimples niya. Well, imposibleng walang girlfriend ang lalaking 'to.

"Shit!"

I accidentally unlock his f*cking phone. Wala itong password.

Ano ba 'to? Masyado akong kinakabahan, pero patuloy lang ako sa pagpindot. Una kong pinindot ang gallery, bumungad agad sa akin ang sandamakmak niyang selfie photos.

Scroll up it more, Cahira.

Walang picture ng babae. Puro pagmumukha niya, sceneries and foods. Ang boring naman ng buhay nito!

Next, messages.

Teka, tama ba 'tong ginagawa ko? I'm stalking and investigating a stranger's phone. Argh! Gusto ko lang naman malaman kung sino ang may-ari nito, kung ano ang kaniyang pagkatao.

- one email recieved -

OMG!

This is important. Hala, baka related ito sa trabaho niya.

"Should I open it?" I asked myself.

I sighed deeply. This is not right. Naglakad na ako palabas, kailangan ko nang makauwi.

****

Nakarating na ako sa bahay at ipinatong ko muna sa kama ang cellphone na aking napulot kanina sa CelebShine. Nagbihis ako atsaka muli itong inimbestigahan.

Muling nagpop-up ang email.

'CelebShine'

OMG! I knew it. May koneksyon siya kay Kesden, baka importante talaga ang emails na ito. Dapat maibalik ko na 'tong cellphone.

"Cahira."

Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin si Mama.

"Bakit po?" tanong ko sa kaniya.

"Sa Linggo kasi magkakaroon kami ng charity service para kay Charles, doon gaganapin sa ampunan kung saan siya galing. Gusto ko lang sana malaman kung makakasama ka." saad ni Mama na tila nahihiya.

Napaisip ako sandali. Masyado strikto si Kesden ngayon, marami akong nakatambak na gawain sa CelebShine. Pero sa kabilang banda, si Charles ang pinag-uusapan namin. Kailangan kong bumawi sa kaniya, kailangan kong iparamdam kay Mama na okay na kami rito sa bahay.

Pero paano yung trabaho ko?

"Sasama ka ba?" muling saad ni Mama.

Hindi ako makasagot.

"Pag-iisipan ko pa 'Ma. Masyado po kasing strict ang boss ko. Baka hindi niya ako payagan magday-off." tugon ko.

Halata sa mukha ni Mama ang pagka-dismaya. Tumango na lamang siya atsaka mabilis na umalis. Naiwan akong nakatayo at nagsisisi sa aking sagot sa kaniya.

Kung hindi lang abnormal ang boss ko, maghapon ko silang sasamahan ni Papa sa pupuntahan nila.

But I will try my best to convince that gay!

~

🖋 author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now