Chapter 14

52 3 0
                                    

Chapter 14

|Cahira's POV|

That couple is so annoying!

Bagay nga talaga silang magsama. Parehong masama ang pag-uugali, mga walang konsiderasyon. Nakakainis! Hindi ko na kaya 'tong trabaho ko, hindi ko na kayang tiisin ang ugali ng baklang 'yon.

And besides, mas maganda ako sa kaniya. Sayang lang ang skills ko, sinasayang ng salot na gaya niya. Dapat hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang ideas ko.

"Ate!"

Napatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan kong nilingon yung tumawag sa akin.

Si Fred pala.

"Bakit?" walang gana kong tanong.

"Narinig ko yung pagtatalo ninyo ni Kuya Kesden. Hindi ka pwedeng umalis." ani niya.

"At bakit hindi pwede?" muli kong tanong sa kaniya.

Tumitig lang siya sa akin.

"Paano yung project natin?" he asked me too.

Project?

HAHAHA.

Bahala siya sa buhay niya! Nawawalan na ako ng interes na tulungan ang bwisit na gaya niya.

"Magaling siya 'di ba? And besides, simula 'nung dumating ako rito ay palagi na lang siyang sigaw nang sigaw. Nakakarindi!" inis kong sabi kay Fred.

"Ganun lang talaga siya, masasanay ka rin gaya namin." tila nagmamakaawa niyang tugon.

Ngumiti ako.

I have an idea.

What if ibalik kong muli ang tiwala ni Kesden sa akin? Tutal plastik naman siya, e di paplastikin ko na lang din siya.

"Talaga?" saad ko.

Tumango si Fred atsaka ako sumama sa kaniya pabalik sa opisina.

Naabutan namin na magkayakap sina Jude at Kesden. Dito pa talaga mismo sa opisina ko? Nakakainis! Ang sakit sakit nila sa mata.

"Kuya." pagtawag ni Fred kay Kesden.

Mabilis silang pumiglas sa isa't isa.

"Akala ko aalis ka na?" nakatingin si Jude sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang kamay ni Kesden at hinawakan ito ng sobrang higpit.

"Why would I leave my boss? I know that he needs me." nakangiti kong sabi.

Nagpupumilit siyang bumitaw mula sa aking pagkakahawak, ngunit mas malakas pa rin ako kumpara sa kaniya. BAKLA siya, mas malambot siya kaysa sa akin.

"Cahira don't touch me!" tinulak niya ako.

"Hindi ako magre-resign. Tutulungan pa kita sa project mo, right?" nakatingin ako kay Kesden.

Tumango lang siya na may kasamang ngiti.

"Good." biglang sumabat si Jude.

"Wala na akong oras makipag-usap sa 'yo. Let's go, Jude." ani ni Kesden atsaka sila umalis.

I smirked while watching them leaving. Humanda ka, Kesden. Hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa ginawa mo sa 'kin. Mayabang ka pa sa ngayon dahil may isang Jude na nagtitiis sa ugali mo.

Hays! Ano ba 'tong iniisip ko?!

Kikilos na ako at aayusin na ang party venue bago pa sumabog ang lalamunan ng baklang 'yon kakasigaw sa akin.

****

Pinuntahan ko na ang party coordinator at sinamahan ako ni Fred na ayusin ang lahat upang hindi na magalit ang bakla naming boss. Bukas na ang party, ngunit wala pa akong damit susuotin dahil wala naman talaga akong balak na umattend.

Ano'ng gagawin ko doon?

Magpapaalipin sa mga bisita? Duh! Hindi ako nag-apply dito sa CelebShine upang maging YAYA ng baklang 'yon!

"Miss Bluebell, ayon po sa aming head coordinator ay mahuhuli kami ng pagdating sa venue bukas." saad ng isa sa mga organizer.

Napatitig ako sa kaniya.

HINDI.PWEDE.'TO!

"Magagalit na naman sa akin si Kesden! Please gumawa kayo ng paraan." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"May nauna na po kasi'ng magpa-book sa inyo. Pasensya na po talaga." saad niya.

Naiiyak kong tinungo ang sofa kung saan naghihintay si Fred.

"What happened?" he asked me.

Tuluyan na akong naiyak.

"Fred, may nauna na raw magpa-book. Kaya hindi sila makakapunta ng maaga bukas. Ano na'ng gagawin ko? Patay na naman ako kay Kesden nito." kinakabahan ako ng sobra.

"Ito lang kasi yung organizer na pinagkakatiwalaan ni Kuya." tugon naman ni Fred.

F*ck!

E ano'ng magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng suhulan yung coordinator nila para lang i-prioritize nila ang okasyon ng CelebShine.

"Tulungan mo ako'ng gumawa pa ng ibang paraan, Fred." I sobbed.

"Okay, kalma. Tatawagan ko si Kuya—" inagaw ko ang cellphone mula kay Fred. Hindi pwedeng malaman ni Kesden 'to. Mananagot na naman ako sa kaniya.

Naririndi na ako sa bunganga niya, at isa pa ay wala rin naman siyang magagawa. Kasalanan ko ba'ng naunahan kami? Sa dami ng inuutos niya sa akin araw-araw ay nawalan na ako ng time upang magpa-book for the anniversary of CelebShine.

"Huwag!" ani ko.

"What should we do now?" naaalarma na rin si Fred.

I have a brilliant idea.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now