Chapter 13

48 3 0
                                    

Chapter 13

My parents are the only reason kung bakit palagi akong wala sa bahay. I didn't own any businesses, at wala akong paki sa mga gusto nilang gawin sa pera nila. And besides, si Hyacinth naman ang magmamana ng Hammington Academy dahil siya ang unang anak na babae sa pamilya namin.

Come on, I never dreamed to handle that f*cking school!

Kahit kailan hindi papangarapin na saluhin ang latak ng yaman ng mga magulang ko.

Bakit kasi sa dami ng applicants ay si Cahira pa ang napili ni Kesden? Nadadamay tuloy siya sa problema namin. Imbes na makukumbinsi ko sila na tanggapin si Kesden, naalala pa tuloy ni Dad ang nakaraan namin ng babaeng 'yon.

And yes, Daddy can't forget Cahira. So I find it even more difficult to convince them to accept Kesden as my boyfriend. They don’t want to support me in what I want, in my decisions. So as time goes on my heart drifts away from my family.

Hindi nila alam na unti-unti ko nang nakakalimutan na parte ako ng pamilyang ito.

It's exruciating.

Sobra akong nahihiya kay Kesden dahil hindi maganda ang pakikitungo na ginawa sa kaniya ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kaniya. Kahit 'nung unang beses na dinala ko siya rito sa bahay ay ganoon din ang ginawa nila.

Ako na lang yung nahihiya.

Mga edukado at mayayamang tao, pero hindi sila marunong rumespeto.

"Kuya." dahan-dahang pumasok si Hyacinth sa loob ng aking kwarto.

May dala siyang scrapbook. She opened the middle page at ipinakita ito sa akin.

Picture ni Kesden.

"I found it on social media and online news. Maglo-launch pala siya ng new liptint shade, and I'm so excited." she happily explained.

Thanks God at may nakakaintindi pa rin sa akin kahit papaano. Niyakap ko si Hyacinth, and I scanned the every pages of her scrapbook.

"Puro si Kesden 'to ah?" ani ko.

"Yeah. I secretly admiring Kuya Kes." she said.

Napangiti ako.

"Huwag lang malalaman ni Daddy ang tungkol dito, baka magalit din siya sayo." paalala ko naman sa aking kapatid.

"Our father is homophobic. What if nagkaroon siya ng anak na gay or lesbian, ano kaya ang mararamdaman niya?" tila naiinis na sabi ni Hyacinth.

"Hayaan na lang natin siya." sabi ko.

Tumango naman si Hyacinth at bumalik na sa kaniyang kwarto. Pinaiwan ko sa kaniya ang scrapbook dahil ipapakita ko ito kay Kesden, sigurado akong matutuwa 'yon.

****

Maaga kong pinuntahan si Kesden sa CelebShine. I want to surprise him, I want to make him happy. Dala ko ang scrapbook na ginawa ni Hyacinth, nagmamadali akong pumasok ng kaniyang opisina.

"Cahira, ano ba?! Ang sabi ko kausapin mo na ang party coordinator dahil bukas na ang anniversary ng CelebShine!" I saw Kesden shouting at Cahira.

Agad ko siyang inawat. Namumutla si Cahira sa kaba at takot.

"What happened?" mahinahon kong tanong.

Nakayuko lamang siya, and I hear her sobbing.

"P-Pasensya na talaga. Hindi ko naman kasi kayang pagsabay-sabayin ang trabaho ko, iisa lang ang katawan ko." she explained.

Tumingin ako kay Kesden na tila proud pa sa kaniyang ginawa.

"You are irresponsible! Alam mo namang bukas na ang biggest event ng company na 'to tapos hindi mo agad ginawa ang trabaho mo. Nasa planner ang task na 'yon! Bakit ka pa tinawag na secretary kung hindi mo naman alam ang mga trabaho mo?" galit na galit si Kesden.

"Calm down." I whispered at him.

"Calm down? Bakit ako kakalma?! Umalis ka na sa harapan ko Cahira kung ayaw mong kalbuhin pa kita." ani ni Kesden.

Agad namang tumakbo si Cahira palabas ng opisina.

Muli kong ibinaling ang aking atensyon kay Kesden na ngayon ay nakaupo at gigil na gigil pa rin.

"Ako na ang bahala sa coordinator." sabi ko atsaka inilagay ang scrapbook mesa.

Lumabas na rin ako upang sundan si Cahira. I should apologize for what happened earlier. Kung hindi pa ako dumating ay baka nabugbog na siya ni Kesden. Naabutan ko si Cahira na nakaupo sa couch at may tinitingnan sa kaniyang cellphone.

Marahan ko siyang nilapitan.

"Pasensya ka na sa inasal ni Kesden." sabi ko.

Tumingin siya sa akin, her eyes were full of tears. I feel so sorry for her.

"May magagawa pa ba ako? Ilang beses na ako ginanyan ni Kesden." nanginginig ang kaniyang boses.

"Kaya nga ako humihingi ng pasensya e. Mataas ang pride ni Kesden, kaya huwag kang umasa na magso-sorry siya sayo." ani ko.

"I don't care. Magre-resign na lang ako, hindi ko kailangan ng katulad niya para kumita ng malaking pera!" tumayo siya at tumitig ng masama sa akin.

Nag-akma siyang sasampalin ako ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay.

"Cahira ano ba?" inis kong sabi.

"Huwag mo akong hawakan!" tinulak niya ako.

Napupuno na ako sa babaeng 'to.

"Isang sigaw mo pa." saad ko sabay lapit sa kaniya.

Nagkatitigan kaming dalawa. Bakit ganun? Parang nagpa-flashback sa utak ko ang relasyon namin ni Cahira. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata, pakiramdam ko'y may gusto siyang sabihin.

Imbes na pahabain pa ang diskusiyong ito ay pinili na lamang niyang umalis.

Hindi ko alam kung sino'ng iintindihin ko sa kanilang dalawa. Pareho lang silang mataas ang pride.

~

🖋author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Where stories live. Discover now