Chapter 23

57 4 0
                                    

Chapter 23

Nagmamadali kong pinuntahan si Kesden sa kaniyang opisina. Naabutan ko itong nakatayo at nakatitig sa bintana, tila may malalim na iniisip. Dahan-dahan ko itong nilapitan, medyo kabado pa nga ako dahil nagagalit siya kanina sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"S-Sir..." utal kong pagtawag sa kaniya.

Humarap ito sa akin na magkasalubong ang kilay at parang mananabunot. Wala nga talaga siya sa mood. Waaah! Paano ko ba siya kakausapin? Teka lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"M-May kailangan k-ka?" nanginginig ng sobra ang aking boses.

Tumango si Kesden, muli siyang naupo.

"Sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko ng mainit na mainit na soup." ani nito habang hinihimas ang kaniyang ulo.

Argh! Sinasabi ko na nga ba.

"Umuwi ka na kasi." saad ko.

"I don't want to! Magtatanong lang sila nang magtatanong sa akin, hindi pa ako handang magpaliwanag sa parents ko at sa mga nakakita ng eskandalo." naiiyak na tugon ni Kesden sa akin.

What should I do? Ang hirap pakiusapan nitong amo ko.

"Hindi ako perfect cook." sabi ko.

Tumingin siya sa akin, matutunaw ako sa mga titig niya. Hindi ko alam kung ano'ng expression ang ipapakita ko sa kaniya. Para akong nahihiya na natatakot at the same time.

Nakakailang na rin ako. Lord, ilayo ninyo po ako sa baklang nasa harapan ko ngayon.

"What are you waiting for?" he asked me.

Nag-pout ako atsaka tumingin sa kaniya.

"Huwag mo akong artehan." dagdag pa niya.

Fine. Nagtungo ako sa pantry upang kumuha ng...

CUP NOODLES

Natatawa akong bumalik sa opisina, I handed him the noodle at hindi maintindihan ang kaniyang reaksyon.

"What do you want me to do? I will not eat that thing!" inis na saad ni Kesden.

"Ayaw mo kasi maniwala e." tugon ko.

Tumango-tango ito atsaka dinampot ang susi ng kaniyang kotse. Hinawakan niya ang aking kamay atsaka ako niyaya lumabas.

Saan ako dadalhin ng baklang 'to?

Papatayin niya ba ako?

Kakatayin?

Baka ipa-rape niya ako!

Hindi ako handa. Charot.

Natigilan ako bigla nang bumilis ang takbo ng kotseng sinasakyan namin. OMG! Baka maaksidente kami sa ginagawa niya.

"Dahan-dahan naman, may humahabol ba sa atin? May hinahabol ba tayo?" taranta kong tanong sa kaniya.

Tahimik lang si Kesden, para siyang walang kasama. He is on his own little world. Sa haba ng byahe namin, dito lang pala kami babagsak sa isang malaki at mamahaling restaurant.

Seriously?!

"Ha?" iyon na lamang ang tanging lumabas sa aking labi.

"Gusto kong kumain ng masarap na pagkain, kasi hindi ka naman marunong magluto." masungit na saad ni Kesden.

Hindi na ako sumagot. Ayaw ko nang makipag-talo sa kaniya, hahaba lang itong usapan namin. Pumasok na kami sa loob at agad naman kaming nakahanap ng mauupuan.

He got the menu from the waitress.

"Please give us two servings of the zillion dollar lobster frittata."

Ang mahal ng mga bilihin dito.

"What's the problem, Cahira?" tanong ni Kesden sa akin.

Nakatitig kasi ako sa menu, sobrang nalulula ako sa presyo ng mga pagkain. Mas mabuti pang bumili na lang ako ng fishball sa kanto, o 'di kaya yung cheese stick na wrapper lang.

Grabe! Mabubusog ba sila rito?

"Huwag kang mag-alala dahil ako naman ang magbabayad." ani pa ni Kesden.

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, binitawan ko na ang menu dahil naging kampante na ang aking kalooban. Libre naman pala niya, mabuti at naisip niya 'yon dahil wala akong pera.

"Saan naman tayo pupunta pagkatapos nito? Don' tell me na mag-iinom ka na naman, hindi 'yon ang sagot sa mga problemang pinagdaraanan mo ngayon." napatingin si Kesden sa akin.

May nasabi ba akong hindi maganda?

"Oo, uuwi na ako after natin kumain." nakangiti niyang tugon sa akin.

Tumango na lang ako. Maya-maya pa ay dumating na ang aming order. Wow! Ang babango ng mga pagkain. Hindi na namin pinansin ang isa't isa dahil nagsimula na kaming kumain.

Ang sarap!

Sayang, hindi namin kasama si Fred. Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ni Kesden, tiningnan niya lang ito atsaka muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa kaniyang kinakain.

"Baka importante 'yan." saad ko.

"Kailan pa naging importante ang isang Jude Hugh?" inis niyang sabi.

Okay fine. Hindi na lang ako magsasalita. Baka uminit na naman ang ulo ng baklang 'to.

~

🖋️ author_mj17

CEO SERIES 1: Kesden Lawson as 'The Gay Ceo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon