Epilogue

99K 3.3K 3.3K
                                    

Note : Sorry for the delay. Ngayon ko lang nahanap ang file. hihi. Enjoyyy

----

SLAUGHTER HIGH 2

EPILOGUE

CURT'S POV

Sampung taon na ang nakakaraan, nawalan ako ng pag-asang mabuhay. Nasa kakahuyan ako, nag-iisa at hindi ko na alam kung paano ako makakauwi. Iniwan ako doon ng kapatid ko para mamatay pero hindi ko alam, doon ko pala makikilala ang taong magpapabago ng ikot ng mundo ko.

Si Erin. Sampung taon ko siyang hinanap. Sampung taon siyang nanatili sa puso at isipan ko. Napakasaya ko nang mahanap ko siya sa kolehiyong pinapasukan niya pero sa kabila nito ay hindi ko parin nagawang sabihin sa kanya ang mga bagay na sampung taon ko ng gustong sabihin sa kanya.

Kung alam ko lang na hahantong lang pala sa ganito ang lahat, dapat sinabi ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Dapat pinrotektahan ko siya. Dapat ako nalang ang napahamak at hindi siya.

“Curtis its Christmas. Go home.” Napalingon ako. Hindi ko napansin na dumating pala ang pinsan ni Erin na si Dominic at ang kasintahan nitong si Carly.

“Okay lang po ako. Baka po kasi magising siya.” Giit ko pero umiling-iling lamang sila.

“Matagal ka ng hindi nakakauwi sa inyo. Sa tingin mo ba masaya si Erin na nakikita ka niyang ganyan?” Sabi naman ulit sakin ni Dominic kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

Dalawang buwan na ang lumipas pero hindi parin nagiging maayos ang lahat. Dalawang buwan na at hindi parin nagigising si Erin. Naging matagumpay daw ang Kidney transplant pero hindi maganda ang pagkakabagok ng ulo ni Erin matapos siyang malaglag. She’s been in Coma for two months.

Ang iba parang sumusuko na pero ako, hinding-hindi ako panghihinaan ng loob. Alam kong hindi niya kami iiwan. Gaya ng sinabi niya, mahal niya ako at naniniwala akong hindi niya ako iiwan. Araw-araw nagdarasal ako na sana magising na siya.

“Curt…” Muling sambit ni Dominic ka ngumiti na lamang ako at tumango-tango.

Ayoko mang umalis, ayoko namang magalit sakin si Erin o ang pamilya niya. Siguro mas mabuti narin tong umuwi ako para gwapo ako paggising niya.

Matapos magpaalam ay lumabas na ako at sumakay sa elevator. Nakakailang ang katahimikan sa loob ng elevator lalo na’t mag-isa lang ako. Ewan ko ba pero bigla na lamang akong tinamaan ng kaba.

Gusto kong bumalik sa kuwarto ni Erin kaya makailang-ulit kong pinindot ang buton ngunit ayaw paring bumukas ng pinto ng elevator.

"Langya ano na naman to, bumukas ka please..." Paulit-ulit ko itong pinindot ngunit laking gulat ko dahil sa isang iglap bigla na lamang dumilim ang paligid at naramdaman kong huminto sa paggalaw ang kinatatayuan ko.

Para akong tinakasan ng lakas nang may mapagtanto ako. Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ang tuluyang pagbigay ng mga tuhod ko at napaluhod na lamang ako. Paulit-ulit akong nagdarasal na sana bumalik na ang kuryente ngunit balewala. Makina na lamang ang bumubuhay kay Erin….

"Palaka… Palaka..”

Napailing-iling ako nang naramdaman kong may pumipitik ng noo ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ako at hindi ko maiwasang mapasigaw sa gulat ang tumambad sa mismong harapan ko ang mukha ni Robbie.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin