Chapter 39 : His Script

60.7K 2.1K 423
                                    

39.

His script

Erin's POV

Nang makarating kami ni Hiro sa Auditorium ay napakadilim. Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari. Natatakot akong may mapahamak na naman. Nag-aalala ako kay Ria. Nag-aalala ako sa iba pa.

Gustong-gusto kong agawin sa kanya ang baril pero wala akong magawa dahil naka-posas ang mga kamay ko.

Biglang binuksan ni Hiro ang ilaw.

Napatingala ako at agad na napaiyak nang maaninag ko sa taas sina Curt, Kuya Dominic at Carly. Binalewala ko ang matinding sakit ng katawan, dali-dali akong nagtatakbo paakyat ng hagdan

Nang makarating ako sa pinakatuktok na bahagi ay naabutan  ko silang tatlo na nakatali sa mga magkakaibang upuan habang may busal sa mga bibig. Duguan si Curt at si Kuya Dom. Si Ate Carly naman ay walang malay. May mga masking tape ang kanilang mga bibig kayat hindi ko naiintindihan ang mga isinisigaw nila.

Lalapitan ko sana sila nang biglang hinigit ni Hiro ang braso ko.

“Bitawan mo ako!” Tinangka kong wakliin ang pangalan ni Hiro ngunit tumigil ako sa pagpupumiglas nang bigla niyang inilabas ang baril at itinutok ito sa kanila.

"Wag mo silang lapitan kung ayaw mong mawala ang isa sa kanila. Hindi ako magdadalawang isip na gawin yun Erin.” Walang emosyong banta ni Hiro kaya napalunok na lamang ako.

Hindi na siya ang Hiro na nakilala ko.

Punong-puno ng poot ang mga mata niya

Seryosong-seryoso siya sa mga banta niya.

"Hiro parang awa mo na, tigilan mo na ‘to. Wala kaming kasalanan sayo.” Pagmamakaawa ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

“Sila Erin, meron.” Giit ni Hiro at bigla na lamang naglakad palapit kay Curt.

Labis ang panginginig ng tuhod ko dahil sa takot. Diyos ko, sana wag niya silang saktan.

Biglang tinanggal ni Hiro ang masking tape sa labi ni Curt.

“Hiro kung ano mang galit mo sa akin wag mo na silang idamay! Ako yung gusto mong patayin diba? Sige na patayin mo na ako!” Humahangos na sambit ni Curt at taas noong hinarap si Hiro.

Mas lalo akong napaluha sa sinabi ni CURT. Duguan ang mukha ni niya, halatang binugbog siya ni Hiro.

“Little Brother do you really think this is all about you?” Humalakhak si Hiro.

Teka kung magkapatid sila at mas bata si Curt, edi ibig sabihin.

“Bata bakit ka nandito sa gubat?” Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga sugat at pasa ng batang lalake sa kanyang mga kamay at paa.

“Ayaw na kasi sakin ng kuya ko kaya iniwan niya ako dito.” Nanlulumo niyang sambit.

“Ang sama naman ng kuya mo. Siya rin ba ang gumawa sayo niyan?” Tanong ko at tumango-tango naman siya.

Nakakapangilabot ang alaalang nagbalik sa isipan ko. Ibig sabihin all this time, hindi si Hiro ang batang nakilala ko sa gubat mahigit sampung taon na ang nakakaraan. Si Curt ang batang nakilala ko samantalang si Hiro ang kuya niyang nagpapahirap sa kanya.

"Galit ako sayo Curt. Simula ng ipinanganak ka, naging tinik ka na sa buhay ko. Lahat nalang ng akin inaagaw mo. Noon ang pagmamahal ni Mommy at Daddy tapos ngayon si Erin… Pero Curt hindi tungkol sayo ang lahat ng ‘to. Para rin to sa mga kaibigan kong sina Grey at Dixon." Humarap si Hiro kay kuya Domic, "Alam mo naman yung ibig kong sabihin diba? Dominic? Pinatay niyo lang naman ang mga kaibigan ko diba?” Sarkastikong sambit ni Hiro na nanggagalaiti na.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now