Chapter 13 : Freakshow

69.6K 2.3K 1.9K
                                    

13.

Freakshow

Erin's Point of View

“Tama nga si Kitty, no effort needed.” Salubong sa akin ni Curt nang bumaba ako sa hagdan matapos makapagbihis at make-up ng ala white lady.

“Isa pa Curt at magiging totoo kang bangkay sa gabing ‘to.” Banta ko sa kanya at inisnaban siya.

Muli akong humarap sa malaking salamin na nasa sala. Pati ako kinikilabutan dahil sa fake blood na tumutulo mula sa mga mata at labi ko.

“Hey white lady! Please introduce yourself.” Napangiwi ako nang bigla niyang inilabas ang hawak na video camera at itinutok ito sakin.

“What’s with the video camera, Zombie?” Tinaasan ko siya ng kilay habang umiilag mahagip nito.

“I want to capture our customer’s real fears. Ia-upload ko sa youtube tapos magkaka million hits!” Taas-noo niyang pagmamalaki kaya agad kong inagaw mula sa kanya ang video camera at hinagis ito sa sofa.

“Ha-ha. No.” Sarcastic kong sambit, “Hindi natin aabusuhin ang kahinaan nila. Nga pala nasaan sina Robbie?”

“Ang tagal mo kasing magbihis kaya nauna na sila, kanina pa. Tara na, manakot na tayo.” Kinuha ni Curt ang mga natitirang equipment na gagamitin naming kaya kinuha ko nalang din ang bag ko.

Napatingin ako sa suot ni Curt. Effort na effort pa talaga siya costume niya kasi andaming punit at dugo. Mala Zombie nga talaga. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit may peklat siya sa likod na para bang nasunog? Kasali din ba ‘yan sa prosthetics?

“Oh bakit?” Lumingon sa akin si Curt. Napansin niya yata na nakatitig ako sa likod niya.

“Yung likod mo kasi, anong nangyari diyan? Saan ka napaso?” Tanong ko pero bahagya lamang siyang tumawa.

“Ikaw Erin ha, minamanyak mo pala ako. Wala ‘yan, nagkaroon kasi ng sunog sa bahay namin noon.” Dagdag pa niya kaya tumango-tango na lamang ako at sumakay na sa kotse niya.

Kawawa naman pala siya kung ganun. Tiyak napakasakit niyan.

*****

THIRD PERSON’S POV

Matapos ang ilang oras na pananakot ay pagod na pagod na lumabas mula sa horror house ang lima.

“Robbie Chen, bagay na bagay talaga sayo maging kapre!” Pang-aasar ni James habang hinihila ang suot na makapal at magulong wig na suot ng binata.

“Sige James, gaguhin mo lang ako at mamaya sisiguraduhin kong makukulong ka sa kabaong na hihigaan mo.” Nakangiting pagbabanta ni Robbie kaya natigil si James sa pagtawa at napalunok na lamang.

“Nakakainis talaga, binato ako ng mineral bottle ng isa sa mga Education Students kanina.” Daing ni Curt habang hinihimas ang noong namumula pa.

“Eh ikaw rin naman kasi eh, kung manakot parang wala ng bukas. Nakita kita kanina, hinila mo ang isa sa mga paa ng estudyante, quits na ‘yon.” Biro pa ni Erin habang nilalapatan ng ice pack ang noo ng binata.

“Teka kelan darating sina Bearbrand? Akala ko ba tutulong siya?” Tanong naman ni Robbie.

“Susunod daw, sasamahan daw muna kasi ang syota niya.” Sabi pa ni Curt.

“Guys have you seen my phone? Kailangan kong tawagan ang Canteen para magpa-reserve ng dinner para satin.” Tanong ni Ria kaya agad nagtaas ng kamay si James.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now