Chapter 38 : Forgotten Rule

61.7K 2.2K 2.6K
                                    

38.

Forgotten Rule

Ria

"Dispatsahin mo na." 

Tatlong salita lamang ang narinig ko mula kay Hiro pero sapat na ito para magdulot sakin ng matinding takot at kilabot. Hindi ko mapigilang mapahagulgol sa takot at napahawak na lamang ako sa kamay ni Erin.

All this time, tama si Kuya Robbie. Dapat hindi ako nagtiwala. Dapat hindi ako nagsawalang-bahala. Ang tanga-tanga ko. Nagkagusto ako sa isang demonyong magiging dahilan ng kamatayan ko.

“No! Hiro don’t do this! Hindi ka masamang tao!” Sigaw ni Erin at gaya ko’y wala rin siyang humpay sa paghagulgol. 

“So killing people doesn’t make him a bad person? Wow Erin, that’s so stupid of you.” Wika ni Avery habang nakahalukipkip ang mga braso. Nilipat niya ang tingin sa akin at ngumisi, tipong nakakaloko. “Utter your final prayers Ria.” Aniya.

Nag-uunahan sa pagluha ang mga mata ko samantalang ang kamay ko naman ay nanginig na. Humigpit ang hawak ni Erin sa kamay ko. Pati siya ay takot na takot narin gaya ko.

"Hiro parang-awa mo na, ‘wag mong gawin sa amin ‘to." Pagmamakaawa ni Erin sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Isinandal ni Hiro ang kanyang braso sa ibabaw ng maliit na kulungang kinasasadlakan namin. Dahan-dahan niyang iniyuko ang ulo niya hanggang sa naging magkalebel ang mga mukha nila ni Erin.

  "Wag kang mag-alala, Si Ria lang naman ang mamamatay sa inyong dalawa. Hindi kita pababayaan." Punong-puno ng kasiguraduhan ang mga katagang binitawan ni Hiro na nakangiti kay Erin.

“Hindi!” Umiling-iling si Erin at ipinatago niya ako sa likuran niya. Pinoprotektahan parin niya ako mula kay Hiro. “Hiro ‘wag mong sasaktan si Ria! Hiro parang-awa mo na! Pakawalan mo na kami!” Muling pagmamakaawa ni Erin ngunit napabuntong-hininga lamang si Hiro at tumayo ng maayos.

“Erin calm down, hindi naman siya pahihirapan ni Avery. It would be an easy death. Diba Ave?” Walang emosyong sambit ni Hiro at napatingin kay Avery, isang ngisi lamang ang naging tugon nito.

Si Avery at Hiro. Magkaibang-magkaiba sila. Kalmado lamang si Hiro at tila ba walang emosyon samantalang si Avery naman ay tila ba naninindak at nagmamayabang sa mga kaya nilang gawin. Magkaiba man sila, pare-pareho silang demonyo. Mga demonyong nagkatawang estudyante at nagkatawang kaibigan.

Muling inilapit ni Hiro ang kanyang mukha kay Erin. Iisang rehas lamang ang naghihiwalay sa kanila pero mistulang balewala ito para kay Hiro. Gaya ng dati, nakikita ko ulit ang kakaibang saya sa mga mata niya sa tuwing nakatingin siya kay Erin.

Psychopaths doesn’t feel love. That’s what Kuya Robbie always says but I guess Hiro Dela Vega is an exception to that.

I’m sure of two things right now, Hiro is a demon and he is madly inlove with my bestfriend. And that mad love could be the only thing that would keep Erin Alive. That love might even save Erin from Death.

"Get the hell away from us you psycho!" Ang dating nagmamakaawang tinig ni Erin ay napalitan ng galit. Pinaghahampas niya ang rehas na nasa harapan niya kaya napaatras na lamang si Erin.

Wala akong magawa kundi mapaiyak na lamang at mapakapit sa damit ni Erin.

Duwag ako. Parati lang akong dumedepende sa kuya ko pero ngayong wala na siya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ayoko pang mamatay. Ayokong mawala ang mga kaibigan ko.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now