Chapter 12 : He from her past

80.5K 2.3K 1.3K
                                    

12.

He from her past

Erin's POV

“Binata na ang kapatid ko!” Humahalakhak na sambit ni Ria habang pumapalakpak pa kaya lalong napangiwi si Robbie.

“Grabe ‘tong si Robbie, dadamoves nga lang, out of town pa.” Pang-aasar naman ni Milo

“Akala ko magpapari ka brad!” Dagdag  pang pang-aalaska ni Curt. Pulang-pula na si Robbie kaya imbes na gatungan ang pang-aasar nila eh nakitawa na lamang ako.

“Magkaibigan nga lang kami Sophie!” Muling giit ni Robbie pero kahit na anong sabihin niya, ayaw parin nilang tumigil sa pang-aasar.

“Teka nasaan si James?” Kunot-noong sambit ni Robbie.

“Asus! Nag-iiba ka pa ng usapan!” Pasaring pa ni Milo kaya lalo kaming nagtawanan.

“Hindi! Seryoso! Tingnan niyo, lumamig na ang pagkain, hindi parin niya nakakain! Hindi ba kayo nagtataka? Ni minsan hindi pinapalampas ni James ang pagkain!” Kunot-noong tanong ni Robbie kaya napatingin ako sa plato ni James.

Tama si Robbie, hindi ugali ni James na balewalain ang pagkain kaya boluntaryo na lamang akong tumayo sa kinauupuan ko’t lumabas sa cafeteria upang hanapin siya.

Asan kaya ang lokong ‘yun? Oo may pagka-malandi siya pero mas prayoridad parin naman niya ang pagkain. Subok na ‘yan ng panahon.

“Nababaliw ka na ba?! Sisirain mo ang plano natin!”

Tumigil ako sa paglalakad nang maaninag ko si James na para bang nakikipagtalo sa isang lalaki. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ng mabuti kung sino ang matangkad na lalaking kausap ni James.

“Kevin?”  Hindi ko alam kung totoo ba ‘tong nakikita ko o nasisira na ang mata ko. Sa pagkakaalam ko naman, hindi magkakilala sina James at Kevin kaya bakit sila mag-uusap, let alone, mag-aaway dahil sa isang plano?

“Huli ka walang dede!” Napapitlag ako nang bigla na lamang may tumalon sa harapan ko at bumungad sa akin ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Avery.

“Bruha ka talaga Avery!” Napasigaw ako pabalik habang hawak ang dibdib ko. Nagulat talaga ako sa kanya, pasalamat siya’t hindi ko siya nasapak.

“Anong ginagawa mo? Sino tinitingnan mo? Pogi ba?” Masiglang tanong ni Avery habang lumilingon sa direksyon nila James. Nakaalis na pala yung kaaway ni James kasi pabalik na ang SPG (Super Patay-Gutom) sa loob.

“Ang tanong pogi ba si James?” Biro ko.

“Pero ang kapatid kong si Kuya Hiro, poging-pogi. Nga pala nakita mo na ba siya?” Tanong pabalik ni Avery na mistulang napakasaya.

“Dumating pala ang kapatid mo?” Tanong ko.

“Oo. Nalaman niya kasi ang tungkol sa nangyari kanila Melody kaya ‘yun, gusto niya daw akong bantayan. Kararating niya lang nung isang araw.” No wonder masaya si Avery. Alam kong miss na miss na niya ang kuya niya kasi parati niya itong kinikwento sa akin. Buti naman at magkakasama na ulit sila.

Nakakalungkot, namatay kasi last year ang mga magulang nila at tanging silang dalawa na lamang ang natitira sa pamilya nila.

“Nga pala Erin may balak ka bang bumalik sa Radio Station? Miss na kita dun eh.” Tanong niya kaya umiling-iling ako. Matapos ang mga nangyari, ayoko na. Suko na ako. Quit na kung quit. Duwag na kung duwag.

“Ikaw?” Tanong ko naman sa kanya.

“Wala akong choice eh. Its stay for extra-credit or fail. We both know how rusty my brain is.” Pabirong sambit ni Avery pero alam kong namo-mroblema din siya. Like a lightbulb that suddenly went on inside my head, bigla akong nagkaroon ng bright idea.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora