Chapter 2 : The Restless Lover

128K 3.1K 1.1K
                                    

2.

The restless lover

Erin's Point of View

 

 

"I killed him! Hindi ko sinasadya! Please wag mo akong isusumbong!" Pagmamakaawa ko sa kanya sabay luhod. 

"Nakagawa ka ng Krimen! You have to surrender yourself!" Sigaw naman ni James sa akin.

"And what rot in jail?!" Dahan-dahan kong inilabas ang kutsilyong nasa likuran ko. "I already killed someone today james. Killing you wont make any difference. So ano na? Will you keep my secret o ngayon din papatayin na kita?!" Sigaw ko sa kanya.

"CUT!!!" Sigaw ng teacher naming si Ms. Marie na ikinagulat namin and at the same time ikinainis. Nakakapagod kayang magpaulit-ulit na umarte tapos icu-cut lang!

"Erin! Show some passion! Your eyes are too dead! Ikaw naman James wag masyadong pa-cute! Mamamatay ka! Hindi makikipaglandian!" Sigaw sa amin ni Ms. Marie at agad na nagtawanan ang lahat ng mga nanonood sa amin. "Aish! Let's call it a day. Everyone get some rest!"

Hayy sa wakas! Its almost 6pm! Nakakagutom din tong parating umaacting!

"Remind me again bakit Performing arts ang kinuha kong kurso?" Pagod na daing ni James at walang kagatol-gatol na humiga sa sahig.

"Because you want to be a hearththrob na pinipilahan ng chicks? Ay hindi, gusto mo nga palang maging pornstar" Biro ko sa kanya habang inilalagay ang gamit ko sa bag.

"Erin Hope Eusebio bakit mo alam ang ambisyon ko sa buhay?" Biro rin niya pabalik habang nakahiga parin sa sahig.

 “Kasi ang kandian mo nangingibabaw.” Napatingin kami sa baba ng stage at nakita namin si Curt na nakangisi. “James bilis, nagugutom na ako.” Aniya kaya napangiwi na lamang si James at tumango-tango kahit na gusto pa nitong manatiling nakahiga sa sahig.

Bumaba ako sa stage at kinuha ang backpack kong nasa upuan. Nakapagtataka kasi biglang tumahimik ang dalawa bagay na minsan lang mangyari, lumingon ako sa kanila at mas lalo akong nagtaka nang mapansin kong may isenesenyas sila sa isa’t-isa at para bang nagbabangayan sila base sa kinikilos nila.

“Erin sumabay ka sa aming mag-dinner!” Ani James habang nakangisi nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila.

Ngumiti na lamang ako at umiling-iling, “Thanks but no can’t do pervert, sasabay ako kay Ria. I want to meet her brother Robbie, I heard he’s a cutie.” Pero siyempre biro lang ‘yon, I already know who Robbie is. Hindi ko lang sure kung naalala pa niya ako.

“Robbie? Sinong Robbie?” Kunot-noong tanong ni Curt.

“Kakasabi ko nga lang diba? Kapatid siya ni Ria.” Sarcastic kong sambit.

“Asa ka namang papatulan ka niya.” Sabi pa ni Curt habang nakangiti ng nakakaloko kaya ako naman ang napakunot ng noo. I seriously don’t get this guy, we’ve been classmates sa lahat ng minor subjects ko ever since the school year started kaso wala siyang ibang ginawa kundi asarin at pag-tripan ako. Pag ako napuno, tatamaan na talaga siya sakin. Kahit babae ako, nanuntok ako ng mga ulol.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now