Chapter 24 : Hear Me Out

58.2K 2K 569
                                    

24.

Hear me out

Erin's Point of View

Napahikab ako’t marahas na sinabunutan ang sarili ko. Maghahatinggabi na at antok na antok na ako, pakiramdam ko tuloy bibigay na ang dala kong mata.

Umupo na lamang ako sa sahig at sumandal sa dingding.

“Drink this.” Nagulat ako nang biglang iniabot sa akin ni Curt ang isang can ng cold coffee.

“Whoa! Pinansin na niya ako! Hahaha!” Pagbibiro ko pero tumawa lamang siya’t inisaban ako sabay abot ng isang bar ng chocolate.

“You look sleepy.” Aniya.

“I want to sleep pero may kukunan pa kaming scenes.” Muli akong napahikab. Buti pa sina Hiro at ang iba pa natutulog na. Samantalang kami ng team timang kasama si Direk ay gising na gising pa at hindi pa pwedeng matulog.

“Erin on deck.” Paalala ni Ria kaya napabuntong-hininga na lamang ako at nagsuklay habang nagmememorya ng linya.

“Damn it you look like a zombie.” Tumatawang sambit ni Curt kaya agad ko siyang hinampas.

Pumalakpak ng dalawang beses si Direk kaya tumayo na ako at bahagyang nag-stretching. Makailang-ulit pa akong tumalon-talon para lang maayos ang pakiramdam ko.

Nasa monitoring area kami ngayon at kasalukuyan naming kukunan ang eksena kung saan magkikita kami ulit ni Grey este James matapos ang pagsabog.

Sina Milo at Curt ang magsisilbing camera men samantalang si Kitty naman ang boom mic operator. Sina Robbie at Ria naman ang nakatoka sa props.

Nakita kong isinuot ni Kitty ang headphones at itinaas ang highly sensitive na microphone kaya hinanda ko na ang boses ko.

“Slaughter High, take 15, Action!”

“Grey! Oh my God!”

“Parker diyos ko akala ko din a—“

“Cut muna!” Natigil kami ni James sa pagyayakapan nang bigla na lamang kaming pinigilan ni Kitty na taimtim na nakikinig sa kanyang heaphones.

“Kitty bakit?” Tanong ni Direk.

“May chainsaw na umaandar tas sumasapaw sa dialogue. Nahagip ng mic.” Sabi pa ni Kitty habang patuloy itong pinakikinggan.  Maging kami ay nakiramdam at nakinig sa paligid pero wala naman kaming naririnig na chainsaw.

“Kitty wala naman ah? Baka crickets lang?” Tanong naman ni Robbie.

“Crickets? Dude I swear para talaga siyang chainsaw. Shit this is creepy.” Ewan ko ba pero mukhang natakot talaga si Kitty kasi hinubad pa niya ang headphones na suot.

Sinuot ni Milo at pinakinggan rin ang headphones, “Kittybabes wala naman eh.”

“Meron! I swear meron!” Giit ni Kitty.

“Baka sina Tyler lang na gumagawa ng props.” Sabi ni Curt kaya tumango-tango na lamang si kitty.

“The mic is sensitive kaya naririnig nito at nae-emphasize ang maliliit na bagay.” Napahikab si Direk, “Lets wrap this up guys. Lets call this a night. Lets get some rest.” Sabi pa ni Direk kaya nagpalakpakan kaming lahat sa tuwa. Sa wakas makakatulog narin!

Nang papunta kami ni Kitty sa kwarto namin ay nagtaka ako kasi parang napakalalim ng iniisip niya, minsan ko lang siya makitang ganito kaya kumapit ako sa braso niya habang naglalakad.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now