Chapter 30 : Pool of Suspects

65K 2K 1.5K
                                    

30.

Pool of suspects

Robbie's POV

12:38 am na nang mapasulyap ako sa relo ko. Dali-dali naming tiningnan ang mga monitors na may live feeds ng CCTV upang tingnan kung saan ito nanggagaling pero walakaming makita. Walang CCTV sa labas, tanging dito lang sa loob kaya malakas ang chansang doon nanggagaling ang putukan.

 Napatayo kami at dumungaw sa bintana. Ilang minuto rin kaming naghanap kung saan ito nanggagaling pero ni katiting ay wala kaming maaninag. Masyadong madilim sa labas lalo na’t masyadong maulap ang kalangitan.

Para kaming napako sa kinatatayuan namin dahil sa takot.

Sa isang iglap bigla kaming nakarinig ng sigaw, boses yun ni Direk pero di namin mawari ang sinasabi niya.

Nakarinig na naman kami ng walang humpay na putukan at lalo na namang tumindi ang takot namin.

"Teka nasaan si Kitty?” Biglang tanong ni Ria kaya agad naming nilibot ang paningin sa buong kwarto.

“Shit!” Napamura ako nang makita kong bukas ang pinto.

Agad kaming nagtatakbo ni Curt at Ria para pigilan siyang lumabas. Sigurado akong umalis si Kitty para puntahan si Milo.

“Kitty! Kitty!”

Hindi namin naabutan si Kitty. Para bang bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Nakakapanlumo.

Hinanap namin siya ng hinanap pero wala siya. Tumakbo kami papunta sa malaking front door ng school pero naka-lock na ito.

Hindi naman ito naka-lock kanina ah?

“Bumalik na tayo!” Giit ko at hinila sila.

 “Ha?! Teka hanapin muna natin si Kitty! Pati si Milo!” Pagmamatigas ni Curt.

“Oo nga kuya!” Sabi pa ni Ria.

“Makinig kayo, malalaman natin kung nasaan sila kung nandoon tayo! Bilis!” Muli kong giit kayat nagtakbuhan kaming tatlo pabalik sa monitoring room.

Nang makabalik ay dali-dali naming tiningnan feeds ng mga camera mga sampung minuto ang nakakaraan.

 Natahimik kaming lahat nang makita namin si Kitty na tumatakbo palabas ng kwartong kinaroroonan namin. Sa sobrang takot namin sa putok ng baril ay hindi namin napansin ang paglabas ni Kitty.

Sa ibang mga kuha ng CCTV, nakita parin naming takbo siya ng takbo para hanapin si Milo. Ngunit nang dumaan siya sa isang corridor kung saan sira ang CCTV ay hindi na namin siya nakita pa.

Isa lang ang sigurado ko, nakuha na si Kitty ng salarin at maaring ganun din si Milo.

Nanlumo kaming tatlo. Napasuntok si Curt sa pader samantalang si Ria naman ay iyak ng iyak.

 Wala na, hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin.

Gusto naming lumabas para hanapin sina Milo kaso masyadong delikado dahil napakadilim. Baka kung ano pa ang mangyari sa amin.

*****

1:55 AM. Patuloy parin kaming nagmo-monitor ni Curt sa mga nangyayari gamit ang feeds ng gumaganang CCTV. Natutulog si Ria habang si Hiro naman ay wala paring malay sa sofa. Kaming dalawa lamang ni Curt ang natitirang gising at nagbabantay sakaling biglang may umatake samin. No choice, kailangan pa yata namin nitong maghintay ng umaga.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now