Chapter 28 : When things go boom

56.6K 2K 1K
                                    

28. 

When things go boom

Third Person's POV

Nanlumo ang lahat nang makarating sila malapit sa dalampasigan at matanaw ang isang yateng hindi na mahitsura at umaapoy pa.

“N-nasaan si Erin?” Mahinang sambit ni Curt na hindi halos makapagsalita.

“Oh my God.” Napahawak si Ria sa kanyang bibig. Sa sobrang panlulumo ng dalaga ay paupo itong bumagsak sa buhangin habang humahagulgol.

“Ria? Ria bakit?!” Nag-aalala si Robbie kaya yumuko siya upang maging magkapantay sila ng kapatid. Lalong tumindi ang kaba ni Robbie lalo na ng iyak lang ang maging sagot nito.

“Ria nasaan si Erin?!” Biglang sigaw ni Kitty na nagsimula naring lumuha.

Nanginginig ang mga kamay ni Ria habang itinuturo ang direksyon ng yate.

Napailing-iling si Curt at maluha-luhang napatingin sa yate. Nasapo niya ang ulo. Tinanggal niya ang suot na bonet at marahas itong itinapon sa buhangin. Muli siyang umiling-iling.

“Erin!” Bigla na lamang sumigaw si Curt at akmang tatakbo patungo sa naglalagablab na yate o sa kung ano mang natira dito pero agad siyang pinigilan ng direktor at ni Milo.

“Erin?” Mahinang sambit naman ni Hiro habang nakatulala at maging ito ay nagsimula naring lumuha. Nilibot niya ang paningin, nagbabakasakaling maaring wala sa loob si Erin ngunit habang ginagawa niya ito ay para bang may narinig siyang tili na nanggagaling sa library kung saan sila nagsho-shooting.

Naguguluhan man, naisipan ni Hiro na bumalik sa loob.

*****

“Tulong!” Tili ng tili si Sophie habang ibinabato sa salarin ang bawat bagay na mahawakan niya. Takot na takot ang dalaga lalong-lalo na’t nakatayo ang salarin sa tanging pintuan palabas at may hawak pa itong matalim na kutsilyong may bahid pa ng dugo ni Zoey.

Natatarantang dumungaw si Sophie sa bintana. Nakikita niya sina Robbie malapit sa dalampasigan, sigaw siya ng sigaw ngunit hindi siya nito naririnig.

Sinamantala ng salarin ang pagkakataon at dali-dali nitong niyakap si Sophie mula sa likod. Napatili si Sophie at nagpumiglas ngunit sadyang mas malakas ang salarin.

Nagpupumiglas man, nagawa ng salarin na maiangat ang dalaga sa ere.

Nakita ng salarin ang isang ulo ng usang nakakabit sa dingding bilang palamuti kaya tinulak niya ang dalaga papunta rito.

“No! Please no!” Pagmamakawa ni Sophie pero baliwala ito sa salarin. Walang ano-ano’y, bigla niyang hinigit ng marahas ang buhok ni Sophie at itulak ang leeg nito papunta sa matalim na sungay ng usa.

Dahan-dahang binitawan ng salarin si ang nangingisay na si Sophie at napaatras.

Napatingin ang salarin sa mga paa ni Sophie na hindi nakaapak sa sahig at nangingisay ang mga ito habang nagsisimulang umagos ang dugo sa sahig.

Narinig ng salarin na para bang may papasok sa library kaya naisipan niyang magtago muna sa likod ng pinto at kinuha ang baseball bat mula sa loob ng isang trophy case. Napasulyap siya sa cctv camera na nasa dingding at nakuha pang mag thumbs-up dito.

Sa isang iglap, biglang pumasok sa library ang hingal na hingal na si Hiro. Tagaktak ang pawis nito at aligagang nilibot ang paningin sa paligid.

“Fuck.” Gulat na sambit nito nang makita ang walang buhay na katawan ni Sophie na nakasabit sa pigura ng usa.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesМесто, где живут истории. Откройте их для себя