Chapter 16 : Light of my darkness

56K 2.1K 503
                                    

16.

Light of my darkness

Third Person's Point of View

“Wala kang kasalanan. Magiging maayos ang lahat.” Paulit-ulit na sambit ni Erin sa sariling repleksyon sa salamin.

Huminga siya ng malalim at humiga sa kama. Matutulog na siya nang maalala ang cellphone na naiwan sa kusina kaya dali-dali siyang lumabas.

“Uy bumalik ka na pala?” Bulalas ni Erin nang makita ang isang taong mas nauna sa kanya sa pagbaba ng hagdan sa pag-aakalang ito ay si Curt.

Hindi ito kumibo kaya napangiwi na lamang si Erin at nagpatuloy hanggang sa makarating sa kusina. Isang maliit lamang na ilaw ang nakasindi sa malaking bahay kaya naman walang kamalay-malay si Erin sa estrangherong kasama.

Dali-daling kinuha ni Erin ang cellphone na nasa mesa nang makitang may tumatawag rito ngunit laking gulat niya nang makitang numero ni Curt ang rumehistro dito.

“Baliw talaga.” Mahinang sambit ni Erin at muling naglakad pabalik sa kwarto.

Nalilito man, sinagot parin ni Erin ang tawag, “Curt? Ba’t ka pa tumawag?—“

“Erin umalis ka na diyan!” Biglang sigaw ni Curt kaya tuluyan napako sa hagdang kinatatayuan ang gulat na gulat na si Erin at napalunok. Sa isang iglap, muli siyang tinamaan ng matinding kilabot.

“Huh? Anong ibig—“ Natigil siya sa pagsasalita nang maramdaman niyang may naglalakad sa likuran niya at mistulang papalapit pa ito sa kanya. Dala ng matinding takot ay tuluyang nabitawan ni Erin ang hawak na cellphone.

Kung kausap ko si Curt ngayon… Edi sino tong kasama ko ngayon? Isip ni Erin at unti-unting lumingon. Napakadilim kaya hindi parin niya nagawang makita kung sino ito.

 “Sino ka?!” Muli siyang napasigaw at nagsimulang humakbang paakyat ng hagdan habang nakatalikod. Lalong tumindi ang takot niya nang magsimulang humakbang palapit sa kanya ang salarin. Hindi na nag atubili pa si Erin at dali-dali siyang nagtatakbo papunta sa kanyang kwarto, “Tulong! Mga kapitbahay tulong!”

Alam niyang mayroong grills ang kanyang mga bintana kaya walang silbi kung magkukulong siya rito. Para sa kanya, mas mabuti pang lumaban kaya dali-dali niyang kinuha ang gitara na siyang pinakamalapit sa kinatatayuan niya.

“’Wag kang lumapit kung ayaw mong ihampas ko sayo to!” Banta niya ngunit patuloy parin ang salarin na lumapit sa kanya.

Napasigaw si Erin at buong pwersa niya itong hinampas ngunit nahila ng salarin ang buhok ng dalaga kayat pareho silang bumagsak sa sahig.

Napakabilis ng pangyayari, namalayan na lamang ni Erin na nakadagan na sa kanya ang salarin at pilit siya nitong sinasakal. Masyadong malakas at mabigat ang salarin pero pilit lumalaban si Erin. Pilit niya itong pinagsisipa ngunit balewala parin.

Ubo ng ubo si Erin pero kahit hirap ay kinakapa-kapa niya ang sahig sa pag-asang may makukuha siyang panlaban at hindi nga siya nabigo dahil nahawakan niya ang isang ballpen.

Hindi na nag-atubili si Erin at buong lakas niyang sinaksak ang kaliwang kamay ng salarin upang mabitawan siya nito.

 Sigaw ng sigaw ang salarin dahil sa sobrang sakit, itinaas niya ang kamay na nagdurugo at lalo siyang nagimbal nang makitang halos tumagos ang ballpen sa palad niya.

“Tulong! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!” Buong lakas na nagsisisigaw si Erin.

Sinamantala ng dalaga ang pagkakataon at sinipa niya ang pribadong parte ng salarin. Muling umalingawngaw ang napakalakas na sigaw nito kaya agad napatayo si Erin.

Mistulang nabuhayan ng loob ang dalaga nang makarinig ng isang motorsiklong huminto sa tapat ng bahay nila. Tatakbo na sana siya palabas ng kuwarto nang bigla na lamang hinila ng salarin ang paa niya kaya wala siyang kalaban-laban na bumagsak sa sahig.

Dahil sa malakas na pagkakabagsak ay hindi na nakakilos pa si Erin dahil sa matinding pagkahilo.

Huminga ng malalim ang salarin at pwersahang tinanggal sa palad ang ballpen na isinaksak sa kanya. Sigaw siya ng sigaw at sa sobrang galit ay marahas niyang hinigit ang buhok ni Erin gamit ang kanang kamay.

Walang kalaban-laban ang hilo paring si Erin nang kaladkarin siya ng salarin papunta sa banyo.

“Magkapareho talaga kayo.” Mahinang sambit ng salarin at muling hinigit ng marahas ang ulo nito paharap sa bathtub na puno ng tubig.

Nanlaki ang mga mata ni Erin ngunit bago pa man siya makasigaw ay tuluyan ng nilublob ng salarin ang ulo niya sa tubig.

Hirap man sa paghinga at halos nakakalunok na ng tubig ay pilit paring nanlalaban si Erin sa pamamagitan ng pagpupumiglas at paniniko sa salarin. Naramdaman ng dalaga na hawak niya ulit ang kanang kamay ng salarin na may sugat kaya kahit nandidiri ay kinurot niya ito. Wala siyang pakialam kahit na mapasok ang daliri niya sa mismong sugat at laman nito.

Sigaw ng sigaw ang salarin at agad na napabitaw kay Erin na ngayo’y basang-basa na at pilit na hinahabol ang hiningang kinakapos.

“Papatayin kita!” Muling sigaw ng salarin. Akmang ilulublob niya ulit ang ulo ni Erin sa bathtub nang bigla na lamang may brasong pumilipit sa leeg niya.

“Bitawan mo siya! Erin takbo!”

*****

“Don’t do something you will regret. Do everything while you still can because life is one unpredictable bitch. That’s what you always say right?”

Parang isang plakang nagpapaulit-ulit sa isipan ni Hiro ang sinabi ni Avery bagay na mas lalo niyang ikinainis. Ipinarada na lamang niya ang motorsiklo sa harapan ng bahay nila Erin at napabuntong-hinga.

Muling nagbalik sa isipan niya ang takot sa mukha ni Erin kaya tinanggal na lamang niya ang suot na helmet at napakamot sa ulo.

“Tulong! Parang-awa niyo na, tulungan niyo ako!” Agad napatayo si Hiro nang marinig ang sigaw ni Erin. Hindi na siya nag-atubili pa at dali-dali niyang binuksan ng pwersahan ang pinto.

Sinundan ni Hiro ang ingay hanggang sa nakarating siya sa kwarto ni Erin. Dito ay naabutan niya ang salarin na akmang lulunurin si Erin kaya agad niya itong tinulungan.

“Bitawan mo siya! Erin takbo!” Sigaw ng sigaw si Hiro habang pilit na inilalayo ang salarin mula sa dalaga.

Hindi nagpatalo ang salarin. Tumayo ito marahas na umatras para mabatbat si Hiro sa dingding. Hilong-hilo at hindi parin halos makagalaw, walang ibang magawa si Erin kundi mapasigaw.

Sa sobrang lakas ng pagkabatbat kay Hiro ay paulit-ulit na nauntog ang ulo niya sa dingding kaya’t maging siya ay nahilo narin.

“Hiro!” Sigaw ng sigaw si Erin kaya siya naman ulit ang nilapitan ng salarin at hinigit ng marahas sa ulo.

“May araw ka rin sakin, tandaan mo ‘yan.” Bulong nito kay Erin at muling hinampas ang ulo nito sa dulo ng kama.

Nang makitang bumulagta ang ngayo’y duguan at wala ng malay na si Erin ay agad nagtatakbo paalis ang salarin ngunit hindi niya namalayang sinundan pala siya ng iika-ikang si Hiro.

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!” Sigaw ni Hiro at agad na sinuntok ang gulat na salarin ngunit dahil sa ginawa niya ay nawalan ito ng balanse hanggang sa ang resulta ay silang dalawa ang nalaglag sa hagdan.

“Tangina!” Napasigaw ang salarin na hilong-hilo. Nataranta siya, hindi niya alam anong gagawin kaya nagtatakbo na lamang siya paalis ng bahay.

Imbes na habulin ang salarin ay nagpursigi na lamang ang sugatan na si Hiro na tumayo upang saklolohan si Erin na naiwan sa taas.

END OF CHAPTER 16

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now