Chapter 40 : The final act

63.8K 2.1K 1.4K
                                    

40.

The final act

Erin's POV

“Final act?” Nakunot ang noo ko at lalo pang umigting ang kaba ko. Tuso si Hiro at maihahalintulad ko siya sa isang demonyo, sa dami ng pasakit na ibinigay niya sa amin hindi na ako magtataka kung may inihanda pa siyang mas malagim.

"We’re not yet done shooting our film so when dawn comes, magsisimula tayo sa final shoot, after that you and I will live happily ever after.”Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako sa mga mata.

Humalakhak ako’t iniwas ang mukha ko sa kanya bagay na ikinakunot ng noo niya.

Ngumisi ako, “You know what Hiro? I’d rather die in a horrible way kaysa makasama ka. Nakikita lang kita, nasusuka na ako sayo alam mo ba yun?” Nakipagtitigan ako sa kanya, “I don’t love you Hiro, I never have, I never will.” Pagdidiin ko.

“You will Erin. You will.” Aniya.

Naririnig kong nagsisigawan sina Kuya Dom at Curt kahit na nahihirapan na sila sa masking tape.

“Whether you like it or not, sasama ka sa akin.” Nanlilisik ang mga mata niyang sambit.

“Just kill me now.” Giit ko at lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Nagtayuan ang balahibo ko. Mukhang galit na galit na nga talaga siya.

"Pumili ka! Sasama ka sa akin o papatayin ko sila?” Banta ni Hiro at itinutok ang hawak niyang kutsilyo sa direksyon nila Curt.

Wala akong nagawa nang dahan-dahang lumapit si Hiro kay Kuya Dominic at itinutok sa mismong leeg nito ang matalim na kutsilyo.

“Huling tanong Erin.” Aniya kaya napalunok ako’t muling nataranta.

“Sasama ako sayo just don’t hurt them! Hiro panalo ka na! Please Tama na!” Giit ko hanggang sa muli na naman akong naluha.

Napatingin ako sa kanilang tatlo at lahat sila umiiling at sumisigaw, ayaw nilang sumama ako kay Hiro. Diring-diri ako kay Hiro sa totoo lang pero wala akong magagawa, ayoko silang mapahamak.

Lumingon sa akin si Hiro at ngumisi at laking gulat ko nang bigla niyang sinaksak si Kuya Dominic sa hita.

“Hiro wag!” Sigaw ako ng sigaw. Gustong-gusto kong tumakbo patungo sa kanila pero natatakot akong baka lalo lang silang mapahamak dahil sa gagawin ko.

Sigaw ng sigaw si Kuya sa sakit habang nakatingala.

Humalakhak si Hiro at matama akong tiningnan, "Do you really think I would make you decide? Sa ayaw mo o gusto, magiging akin ka! Sa ayaw o gusto mo, papatayin ko sila!”

"Hiro maawa ka! Ako nalang ang patayin mo wag lang sila!” Pagmamakaawa ko.

"Mahal na mahal mo talaga sila no? Sana ganyan rin ang nararamdaman mo sa akin.” Sa isang iglap, muli kong nakita ang lungkot sa mga mata ni Hiro.

Napahawak ako sa jacket ko. Nanginginig na ako sa kaba. Nagulat ako nang bigla kong nahawakan ang kutsilyo. Ang kutsilyong bigay sa akin si Sophie.

 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW.

Impit na sumisigaw si Curt habang may busal sa kanyang bibig. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang pilit na nagpupumiglas.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now