Chapter 22 : Welcome to Slaughter

75.1K 2.3K 2.4K
                                    

22.

Welcome to Slaughter

Erin's Point of View

ERIN’S POINT OF VIEW

“We’re here, hey, wake-up.” Narinig ko ang boses ni Curt kaya napahikab ako’t napakamot sa ulo ko.

“Maya na, tulog muna ako.” I murmured.

“Sleeping beauty gusto mo halikan kita.” Aniya kaya agad akong napadilat at umupo ng maayos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang pingi ko. Curt alert.

Napalingon ako sa mga kasamahan namin at nakita kong naglabasan na pala sila sa sasakyan maliban lamang kay James na hanggang ngayon ay tulog pa habang yakap ang isang maliit na unan. Nakanganga pa siya habang tumutulo ang laway.

“Kiss mo nalang si James.” Giit.

“Pwede mo namang sabihing ayaw mong magpahalik in a nice way.” Aniya kaya pabiro ko siyang inirapan at lumabas na lamang ng sasakyan.

“Hoy James! Anak ng tokwa! Tulungan mo ako dito!” Naabutan kong nagwawala si Ria habang hirap na hirap na inilalabas ang maleta niya samantalang si Kitty, walang kahirap-hirap kasi tinutulungan siya ni Milo.

Ugh, I so envy this couple. Pakiramdam ko talaga forever na sila. Halata naman kasi sa tinginan nila na mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Nilibot ko ang paningin ko habang nags-stretching. Ngayon ko lang napansin na nasa daungan na pala kami ng mga barko. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin. Sana makapag-swimming kami. Hihi. Dito na ba kami magsho-shoot.

“Hey guys! Hop on!” Narinig naming may sumigaw kaya napatingin kami sa isang malaking yate at nakita naming nakatayo rito si Sir Guzman habang hawak ang isang megaphone.

Kahit mas matanda sa amin si Sir Guzman, napakahot parin niyang tingnan lalo na ngayon na naka-sleeveless white shirt at pants lang siya. Di gaya noon na kapag nasa-school, suit and tie ang parati niyang suot.

“Wow! Saan ba talaga tayo magsho-shoot?” Tanong ni Curt.

“Baka sa isang secluded island?” Tumatawang sambit ni Milo sabay akbay kay Kitty.

“Erin Hope Imperial Eusebio!” Narinig kong may sumigaw mula rin sa yate at laking gulat ko nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha na tumatalon-talon habang kumakaway sakin.

“Paul Villacorta!” Napatili ako’t dali-daling nagtatakbo paakyat sa yate nang mapagtantong ang highschool bestfriend ko pala ang tumatawag sakin.

“Bro!” Dali-dali ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap. Sa sobrang higpit halos matumba kami.

“Ang taba mo na! Anak ng! Babae ka na pala ngayon?!” Pagbibiro niya kaya agad ko siyang binatukan gaya ng nakagawian.

Paul has always been my bestfriend mula pa noong freshman ako. Kung may taong nakakaalam sa lahat ng baho at hinanakit ko sa buhay ko, si Paul iyon.  He was my only friend when I was in my self-destructive path. Basically he’s my partner in crime. We were even chased by the police back in highschool. Yeah, I was a badgirl back then. But now, I’ve changed.

“Bangs? Black hair? Dress? Erin ilang buwan lang tayong hindi nagkita, naging tao ka na!” Pang-aasar pa niya.

“Natauhan lang. Alam mo naman.” Itinaas ko ang dalawa kong kilay at alam na niya ang ibig kong sabihin.

“Teka anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa sa kanya.

“Kami ang kinontrata nila Mr. Guzman na maging supplier ng props at prosthetics niyo. Ako ang pinadala ni Daddy para dito, andito rin si Tyler ang pinsan ko.” Pagmamalaki ni Paul.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now