Game Over

75K 2.4K 1.6K
                                    

Game over

Robbie's POV

1 week later…

“Kuya nandito na tayo.”

Bigla akong nagbalik sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Ria na nasa tabi ko.

“Robbie anak, okay ka lang ba?” Tanong sa akin ni Daddy na siyang nagmaneho.

Hindi ako okay. Kamamatay lang ng mga kaibigan ko at paralisado sa ngayon ang kaliwang kamay ko dahil sa mga nangyari. Hirap akong gumalaw at hindi parin naghihilom ang lahat ng tinamo kong sugat pero sa kabala nito ay ngumiti na lamang ako at tumango-tango.

Pagkababa ko mula sa kotse ay biglang bumungad sa akin ang napakalakas at napakalamig na simoy ng hangin dito sa sementeryo.

Nilibot ko ang paningin ko. Napakaraming tao sa paligid at gaya namin, nakasuot din sila ng kulay itim. Maraming nag-iiyan at naghihinagpis. Lahat sila, hindi matanggap ang pagkawala ng minamahal—Pare-pareho lang kami.

 Napatingin ako kay Ria at nakita kong nagsisimula na namang bumuhos ang luha mula sa mga mata niya.

 “Ria nandito lang ako sa tabi mo.” Paalala ko sabay hawak ng kamay niya.

Humikbi-hikbi siya nang tumango-tango kaya inakbayan ko na lamang siya habang papunta kami sa upuang nakareserba sa amin.

Hindi pa nagsisimula ang funeral service kaya agad hinanap ng paningin ko si Curt.

 Nakita ko siyang kinakausap ang lumuluhang mga magulang ni Erin.

Parang parte nadin ng pamilya nila si Curt dahil ang ama ni Erin ay inaakbayan siya at inaalo.

Nang magsimula na ang funeral service ay tahimik kaming lahat na nakikinig sa pari. Pigil ang luha ng iba pero kami, tuluyan na kaming napaiyak.

Magkatabi kami ni Curt pero nakatulala lamang siya habang patuloy na lumuluha. Nakakausap namin siya ng maayos pero hindi na siya gaya ng dati. Parati siyang lutang, humihinga man siya, para naman siyang isang taong walang kabuhay-buhay. Parang nakikita ko kay Curt ang sarili ko isang taon na ang nakakaraan. Alam ko kung gaano kasakit at kahirap ang nararamadaman niya ngayon. Kung tutuusin, pare-pareho kami ng pinagdaanan.

"We therefore commit their body to the ground; earth to earth, ashes to ashes, dust to dust; in the sure and certain hope of the Resurrection to eternal life." Wika ng pari hanggang sa sunod-sunod na ibinaba ang mga kabaong nila sa malalim na hukay.

Tuluyan ng napahagulgol ang mga tao sa paligid namin. Sa isang iglap, bumaha ang mga palahaw ng mga magulang at mahal sa buhay ng mga pumanaw.

Narinig kong humahagulgol narin si Ria kaya niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Alam kong lahat kami sa puntong to ay labis na nasasaktan.

Ang hirap tanggapin na nauulit na naman ang lahat. Nakikita ko na namang ibinabaon ang mga kaibigan ko sa huli nilang hantungan.

Akala ko masasanay na ako, pero hindi. Paulit-ulit na akong nakakita ng ganito pero masakit parin.

Napakasakit dahil sa isang iglap bigla na lamang nawala ang mga kaibigang labis naming pinahalagahan at minahal.

Biglang nagbalik sa isip ko ang lahat ng mga ala-ala naming lahat...

Sa tuwing naaalala ko ang mga oras na binabatukan ako ni Milo kapag nang-aasar ako. Kapag naririnig ko ang walang humpay na pagdaldal ni Kitty. Sa tuwing pinapagalitan ako ni Ms. Marie. Ang bagong pagkakaibigang nabuo namin nina Paul at Tyler sa tuwing pagt-tripan namin si Erin. At si Sophie—Ang taong nagtiwala at naniwala sa akin noong mga oras na maging ako ay hindi na rin naniniwala sa sarili ko.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now