Chapter 29 : Play by the rules

59.9K 2K 1.2K
                                    

29.

Play by the rules

Robbie's POV

Kanya-kanya kaming hanap ng signal pero wala talaga. Gusto kong lumabas at umakyat sa puno upang maghanap ng signal pero masyadong delikado. Si Hiro naman ay wala paring malay hanggang ngayon.

Nyeta antagal pa bago mag-alas sais ng umaga.

Hindi ko muna sinasabi sa kanila ang tungkol sa naging kasunduan namin ni Detective Andromedas baka kasi malaman ni Kevin at baka mamaya, mas maaga pa kaming mapahamak. Hindi ako sigurado kung sino ang salarin kaya hindi parin dapat ako magtiwala sa kahit kanino. Si Ria lang ang mapagkakatiwalaan ko ng todo.

Kinuha ni Direk ang walkie talkie na parati naming ginagamit nitong mga nakaraang araw at nag-radyo sa iba ngunit wala talagang sumasagot ni isa sa kanila.

“Patawarin niyo ako, itatama ko ang lahat, hahanapin ko ang iba. Maghahanap ako ng daan paalis. Hihingi ako ng tulong.” Mangiyak-ngiyak niyang giit.

Subukan man naming magalit sa kanya ay hindi namin magawa. Kinasangkapan siya ng kung sino mang salarin, hindi niya iyon kasalanan.

 “Sasama ako.” Biglang nagsalita si Curt.

“Curt wag na, makikita natin si Erin, trust me on this.” Giit ko naman kaya natahimik siya’t napasapo sa ulo.

 “Teka sandali, kailangan natin ng plano! Pumunta muna tayo doon sa monitoring rooms. It’s the safest place I can think of!” Giit ko na agad namang sinang-ayunan nilang lahat maliban lamang kay Direk na hindi nagpapigil at lumabas ng gusali.

*****

Alas-onse na ng gabi at lahat kami hindi parin mapakali. Nagtulong-tulong kami sa pagkabit-kabit ng mga kable hanggang sa tuluyang gumana ang sandamakmak na mga monitor na nagpapakita ng mga live feeds ng CCTV na nakakabit sa buong gusali.

Nagsitayuan ang balahibo ko. Dejavu. Nangyari na ito noon at ni minsan hindi ko inakalang mauulit ito. Sana nga lang talaga makaligtas ako ngayon o di kaya kahit si Ria lang.

"Teka bakit wala dito?" Tanong ni Kitty habang tinuturo ang isang monitor. Camera 112, Ang garahe. Puro static lang. Marami pang mga monitor ang hindi gumagana at hindi na ito bago para sa akin.

Sigurado akong pakana ni Kevin yan.

Agad kaming naghanap ng mga gamit para makahingi ng tulong pero wala talaga. Ni ang mga radyong makakakonekta sa kabilang isla o sa kahit na anong sasakyang pandagat ay hindi rin gumagana.

“Teka nasaan si Tyler?” Tanong ni Ria.

"Kasama ba natin silang lumabas kanina?” Tanong ni Curt.

“Tyler was supposed to play the role of the murderer. Damn it, the real killer was with us! That’s how he killed Zoey, Sophie must’ve sensed that it was real murder.” Hula ni Milo na agad kong sinang-ayunan.

"That explains why hindi niya tinatanggal yung maskara niya kanina!” Sabi pa ni Kitty.

"Teka so nasaan si Tyler?” Tanong ni Curt na halatang nag-aalala sa kanyang kaibigan

Para na kaming baliw sa kakalakad ng paulit-ulit sa buong kwarto. Pilit naming inaalala kung ano ang nangyari sa iba at nagtabi-tabi sa mga maaring anngyari.

"Robbie sa tingin mo buhay pa talaga si Erin?” Walang kabuhay-buhay na tanong ni Curt habang nakaupo sa sahig. Walang ibang emosyon ang nababasa ko sa mukha niya kundi lungkot at pag-aalala.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now