Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter

59.9K 2.1K 1.1K
                                    

27.

Lights, Camera, Slaughter

Erin's Point of View

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Curt pabalik sa library kung saan nagsho-shoot ang ang iba. Medyo naiilang pa ako pero mas mabuti natong nagkaliwanagan kami ni Curt para sa nararamdaman namin sa isa’t-isa. Awkward but I’m happy. Definitely happy. And at the moment, the butterflies in my stomach are high on drugs. Only Curt could affect me like this.

“Never thought today was the day that I finally can finally hold your hand as a real couple.” Bulong ni Curt na kanina pa nakangisi.

“Real couple? Di pa kaya tayo and besides di ka pa nga nanliligaw eh.” Agad kong binitawan ang kamay niya at nauna akong pumasok sa library matapos siyang irapan.

“Kailangan pa ba yon?” Tanong niya habang sumusunod sakin. He’s so cute lalo na pag super clueless siya pero sorry siya kasi ayokong madaliin ang lahat. Hihi.

“Erin naman eh.” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong ipinasok sa bulsa ng suot kong jacket.

“Manligaw ka muna.” Dumila ako. Akala ko maiinis siya pero tumawa lamang siya’t niyakap ako mula sa likuran ko.

“Cut!” Biglang sigaw ni Direk.

Ngayon ko lang napansin na parang badtrip ang lahat lalong-lalo na si Direk.

“Zoey utang na loob! Umayos ka!” Giit ni Direk at ngumiti lamang si Zoey sabay peace sign habang pinupunasan ang pekeng dugong umaagos pababa ng leeg niya.

Muling nilapatan ni Sophie ng prosthetics si Zoey sa leeg ng sa gayon ay magmukha nga talaga siyang magigilitan ng leeg sa susunod na eksena.

“Saan kayo galing?” Lumingon samin si Milo at biglang kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya kahit pa mukhang gulat na gulat siya.

“Mga ungas, nagkaaminan na yata.” Sabi pa ni Milo at pinaghihila sina Robbie, Kitty at Ria paharap samin.

“Hay sa wakas! Goodbye friendzone narin!” Pasaring ni Robbie sabay thumbs-up.

“Omg kayo na?” Tuwang-tuwa si Ria pero agad akong umiling-iling at bahagyang siniko si Curt upang bitawan niya ako.

“Pakipot pa pero ‘wag kayong mag-alala diyan rin kami patungo.” Taas noong pagmamayabang ni Curt kaya muli ko siyang siniko.

“Kayong dalawa talaga, ang dami niyong arte. Just go up your room and make some babies!” Biro pa ni Kitty kaya agad akong napangiwi.

“Babies daw Erin. Ano game?” Bulong ni Curt sakin kaya this time, hindi ko lang siya siniko, binatukan ko pa talaga siya.

“Everyone! Back to places! Curt, go back behind the camera!” Utos ni Direk kaya nakangiwing napatingin sakin si Curt.

“Go.” Giit ko at nginitian siya.

Bigla niyang tinuro ang pisngi niya kaya agad akong umiling-iling.  Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngumisi siya at itinuro ang labi niya kaya ako naman ang ngumiwi.

“Bwisit, mas nakakadiri pa kayo kay Milo at Kitty.” Magkasabay na daing nila Robbie at Ria. Magkapatid nga talaga.

Napabuntong-hininga si Curt at siya na mismo ang humalik sa noo ko bago nagpunta sa malaking camerang iooperate niya. For the last time, lumingon siya sakin at kumindat. I cant help but to giggle. He’s too sweet. I really love this guy.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon