Chapter 11 : The Brotherhood

65.8K 2.2K 869
                                    

11.

The Brotherhood

Robbie's POV

“Alam mo, hindi mo naman kailangang pakinggan ang pinagsasabi ni Mr. Guzman.” Paalala ni Sophie na siyang nakaupo sa tabi ko.

“Pero gusto ko… Gusto kong malaman kung paano ‘iyon nagawa ni Dixon. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa samin iyon. Hindi sapat ang motibong sinabi niya sa amin noon.” Napabuntong-hininga na lamang ako’t muling napatitig sa class picture namin.

“Knowing won’t change what happened a year ago Robbie.” Giit ni Sophie.

“But knowing will answer the questions that has always haunted me.” Katwiran ko at siya naman ang napabuntong-hinga.

Napatingin ako sa kanya at nagtaka ako nang ipinakita niya sa akin ang isang address na nasa cellphone niya.

“Ano to?” Kunot noo kong tanong.

“You said you wanted to know right? Well here’s the address of the orphanage where Dixon and Grey first met.  Siguro nasa childhood ni Dixon ang mga sagot sa katanungan mo.” Sabi pa ni Sophie kaya lalo akong naguluhan.

“Teka, bakit alam mo ang tungkol sa orphanage?” Bahagya akong napaatras.

“Promise you won’t be mad?” Nagdadalawang-isip niyang sambit habang nakangiwi.

“Sophie sagutin mo ang tanong ko.” Giit ko at siya naman ang napabuntong-hininga.

“Robbie kasi… Ako ang inatasan ni Mr. Guzman na maging researcher, parang fact checker narin para makatotohanan talaga ang pelikula.” Bahagya niyang iniyuko ang ulo niya at napangiti, “I kinda researched about you and you’re friends too. Kilala na kita bago pa man tayo magkita sa shop, Sorry. He-he.” Nahihiya niyang sambit.

“Tell me everything.” Giit ko.

“Huh?” Aniya.

“Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalaman mo tungkol kay Dixon.”

“Yang sinasabi ni Mr. Guzman, ‘yan na ang na-research ko tungkol kay Dixon. I only learned about his life before he was sent to the orphanage, not after.” Aniya kaya tumango-tango na lamang ako at hinila siya palabas, “Teka sandali, saan tayo pupunta?”

“Where it all began…” Tipid kong sagot.

*****

“Robbie Chen, you do realize how far that orphanage is right?” Sarcastic niyang sambit habang nakangiwi pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay itinuon ko lamang ang atensyon sa daang tinatahak namin.

“Robbie for the love of God! It will take us 6 hours para makarating dun! Nag-iisip ka ba?!” Bulyaw niya pero hindi ako huminto sa pagmamaneho at sa halip ay mas binilisan ko pa ito.

“12 hours, back and fourth.” Pagtatama ko sa sinabi niya.

“Dude it’s the same! Nakakainis ka! Bigla-bigla—“

“’Wag kang mag-alala, bibili tayo ng mga pagkain kapag may nadaanan tayong Seven-Eleven. Libre ko.” Sabi ko sa pag-asang mawawala ang inis niya at hindi nga ako nabigo kasi bigla na lamang kumurba ang isang napakalapad na ngiti sa mukha niya.

“Yey foods! Okay game na ako sa roadtrip nato.” Aniya habang pumapalakpak pa kaya hindi ko napigilang matawa.

“Yung totoo Sophie? Magkapatid ba kayo ni James? Pareho kayong SPG.” Biro ko kaya agad nawala ang ngiti sa mukha niya at agad siyang napakunot ng noo.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now