Chapter 10 : Portrayal of Murder

79.8K 2.4K 2K
                                    

10.

Portrayal of Murder

ERIN’S POV

College is hell. That’s not an exaggeration, infact, hell compared to college is a bit better because Satan wont give you homeworks nor projects with early deadlines.

Its 8am and my calculus class just ended pero ang gulong-gulo na ang mahaba kong buhok at ang bangs ko, halos kumulot na. Umagang-umaga stressed na agad ako at drained pa ang energy. Hay… Siguro kung sumali ako sa film fest di ko nararanasan ‘to, pero okay lang, paninindigan ko ang desisyon ko para kay Ate Parker.

“Erin! Erin! Erin!” Nagulat ako nang bigla na lamang akong sinalubong ni James na hingal na hingal.

“Anong nangyari?” Tanong ko. Buti pa siya excused sa mga subjects kasi araw-araw silang nags-script reading bilang practice.

“Nakapost na ang pasado sa Audition! Kasali ka sa cast!” Sabi pa ni James kaya nanlaki ang mga mata ko. Bigla niya akong hinila papunta sa bulletin board kung saan ito naka-post.

Ewan ko ba pero bigla akong tinamaan ng kaba nang tuluyan kong makita ang official set ng cast.

Title : Slaughter High

Genre : Horror / Romance

Sabrina Diaz as Parker

(Erin Hope Eusebio – Understudy)

Ryan Ferrer as Greyson

(James Antonio – Understudy)

Kitty Torres as Carly

Harold Lee as Dominic

Kevin Antonio – Kevin

Zoey Hermosa – Phoeby Chen

KC Aquino – Miki

James Antonio – Dixon

“What the fuck?!” Hindi ko napigilang mapasigaw. Hindi ako nag-audition pero bakit nandito parin ang pangalan ko? Mabuti nalang talaga at understudy lang. For the first time, gusto kong maging safe at healthy palagi si Sabrina kasi kung may mangyari mang masama sa kanya, tiyak lagot ako.

“Sinabi mo pa! Sa galing ng acting ko, kay Dixon lang ako napunta?! Anak ng! Paano makikita ng chicks ang kapogian ko kung parati akong nakamaska?!” Nagtaka ako nang bigla na lamang siyang tumawa, “Pero tingnan mo, Si Robbie ginawang babae! Phoeby Chen! Hahaha! Maasar nga ‘yon mamaya!”

“Omg! Omg! Omg! Sab you got the lead role!” Biglang umalingawngaw ang tilian ng dalawang babaeng kampon ni Satanas.

“Kitty omg! You got Carly!” Kung maka-celebrate sila, parang walang ibang tao dito.

Ayoko ng manatili pa dito dahil andito na ang dalawang impakta. Maglalakad na sana ako palayo nang biglang lumingon sa direksyon ko si Sabrina.

“Omg Erin, I’m so sorry, that’s so insensitive of me. Pasensya na, nag-quit ka na nga sa radio station, naging understudy ka pa. I really feel sorry for you.” She pouted as if she’s really sad for me but the sarcasm is written all over her face.

Omg sila ng omg, sarap tuloy nilang batuhin ng LPG.

“Okay lang ‘yan Erin, may next film fest pa naman. Malay mo, makaalis ka na sa Understudy zone.” Sabi pa ni Kitty habang nakangisi.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon