Chapter 9 : Project Slaughter

73.7K 2.4K 1.2K
                                    

9. 

Portrayal of Murder

Erin's POV

“O? Akala ko di ka sasali sa film fest?” Tanong ko nang mapansin kong si Robbie pala ang katabi ko ngayon dito sa auditorium, ngayon kasi ang orientation para sa film fest.

“Di nga, pero nakakatamad eh, wala akong trip.” Tipid na sagot ni Robbie habang palinga-linga sa paligid.

Robbie is actually okay. Akala ko noon super serious niya pero hindi naman pala. Andami nga niyang kalokohan lalo na pag si James ang kasama. Its like their partners in crime. But I’d have to admit, minsan may instances na nagtataka ako kay Robbie kasi bigla nalang matutulala na parang napakalalim ng iniisip.

“Teka… Robbie diba si Kevin ‘yon?” Nakunot ang noo ko nang makita ko siya sa stage kasama ang mga producer at dean na siyang magco-conduct ng orientation.

“Anong ginagawa niya dito?” Takang tanong naman ni Robbie. Sa akin parating nagk-kwento si Ate Parker kaya kung tutuusin, kilala ko nadin ang mga kaklase at kaibigan niya.

“Good Afternoon students of Garisson University!” Tumayo sa harapan naming lahat ang isang lalaking nakasuot ng suit and tie. Pormal na pormal ang dating niya at napaka-gwapo pa—He’s like the Filipino Version of Christian Grey… Well that’s exaggeration but pogi talaga siya.

“My name is Romeo Guzman and I’ll be this year’s producer for your film entry since Dean Sevilla just passed away. See knowing this university produces the finest filmmakers and actors, I believe that we can win this film fest! But what is winning without a good story right?” Nagtawanan ang iba kaya kahit hindi naming gets ay nagtawanan nalang din kami, “I am proud to announce that this year, we will be taking it up a notch with a very unconventional story.” Lumapit siya sa isang malaking board. May takip itong putting tela at bigla niya itong tinanggal kaya tumambad sa amin ang isang tarpaulin na may katagang, SLAUGHTER HIGH.

Wait ‘Slaughter High’? Ibig sabihin…

“This year’s movie will be entitled, SLAUGHTER HIGH just like the infamous Slaughter High Massacre that took place last year at Provident High. We will base the script on real events, even the characters will be based on the real students who died and survived.” Anunsyo nito kaya nagpalakpakan ang lahat. Excited at curious ang lahat maliban lamang sa amin nila Robbie na gulat na gulat at hindi halos makapagsalita.

“And inorder to make sure that this movie will infact be based on real events, I have invited ‘Kevin Antonio’ to guide us with the production. Sa mga hindi nakakaalam, Isa si Kevin Antonio sa apat na mga estudyanteng nakaligtas sa massacre.” Muling nagpalakpakan ang lahat nang pinatayo si Kevin at inabutan ng mikropono.

Napatingin ako kay Robbie at nakita ko ang nakakuyom niyang kamao. Galit siya, sigurado ako.

“Magandang hapon po sa inyong lahat.” Bati ni Kevin at sa isang iglap, napuno ng tilian ang auditorium ng mga babaeng kilig na kilig at labis na nabibighani sa kanya. Para na talaga siyang isang artista sa dami ba naman ng guestings at tv appearance niya. “Una sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa suporta ninyo sa akin. Mahirap po talaga sa akin ang nangyari lalong-lalo na’t nasaksihan ko mismo ang nangyari sa mga kaibigan ko. Ako, Si Dominic Imperial, Carly Ramos at Robbie Chen, kami pong lahat na nakaligtas ay masaya sa pagkakataong malaman ng lahat ang pagsasakripisyo at pagkakaibigang nabuo sa Provident High. Sana po ay makagawa tayo ng isang maganda at dekalibreng pelikula.” Dagdag pa niya kaya lalong nagtilian ang lahat.

“Robbie Chen?”

“Hala diba Robbie yung brother ni Ria?”

“Omg! Survivor pala siya?!”

Slaughter High 2 : Terror Never DiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz