Chapter 17 : Goodbye, Erin

69.8K 2.3K 1.2K
                                    

17.

Goodbye, Erin

Erin's Point of View

Nakaramdam ako ng hapdi sa noo ko kaya napangiwi ako at dahan-dahang idinilat ang mga mata ko.

“Erin? Guys gising na si Erin!”

Malabo kaya makailang ulit kong kinukurap-kurap ang mga mata ko hanggang sa tuluyang tumambad sa akin ang mukha ng mga kaibigan ko.

“Anong nangyari?” Tanong ko habang sinusubukan kong umupo sa tulong nila. Nilibot ko ang paningin ko at lalo akong naguluhan nang makita kong nasa loob ako ng clinic at this time, hindi na ako ang naghahatid, ako na ngayon ang mismong pasyente.

“Nakita mo ba sinong gumawa sayo nito?” Biglang tanong ni Robbie kaya muling bumalik sa isipan ko ang nangyari.

May tao sa bahay at hindi ito si Curt. Muntik na niya akong mapatay pero mabuti nalang at nandun si Hiro, tinulungan—Shit! Si Hiro!

“Nasaan si Hiro?! Okay lang ba siya?” Napabalikwas ako’t tatayo na sana pero pinigilan nila ako.

“Mahiga ka lang diyan. Okay lang siya, ayun siya oh, mahimbing na natutulog kaso may bukol nga lang.” Nakangiting sambit ni Ria sabay turo sa sofa at nakita ko roon si Hiro. Nakaupo lamang siya habang nakasandal sa dingding, nakahalukipkip ang mga braso habang mahimbing na natutulog. He’s as weird as ever kaso kapansin-pansin ang pasa at sugat sa mukha niya.

Once again, he saved my life….

“Kailan pa kayo naging magkaibigan?” Tanong pa ni Curt kaya ngumiti na lamang ako.

“Erin nakilala mo ba sinong gumawa sayo nito?” Tanong naman ni Robbie.

“Pustahan si Winston yan.” Taas-noong pagmamalaki ni James kaya agad akong umilling-iling.

Winston is a big old man, yung sumugod sakin, he was tall and he had a body of a teenager.

“I didn’t see his face but I’m sure lalake ‘yun at hindi si Winston. Boses niya lang ang narinig ko. Kung—“

“Erin?! Anak anong nangyari sayo?! Okay ka lang ba?!” Nagulat ako nang bigla na lamang pumasok sa kwarto sina Mommy at Daddy. Kapwa sila nakasuot pa ng pambahay na tila ba dali-daling nagpunta dito at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Something about the look on their faces made me happy. May pakialam parin pala sila sakin…

*****

“Transfer schools? You have got to be kidding right?” Napangiwi ako at salitang tiningnan sina Mommy at Daddy.

“Erin ayaw ka naming mapahamak. Mahal na mahal ka namin at ayaw naming magaya ka kay—“Hindi na natapos pa ni Daddy ang sinasabi niya pero naiintindihan ko kung sino ang ibig niyang sabihin. After Ate Parker died, they became somewhat protective…

“Transfer schools and what? Live with both of you again?” Napasinghal ako’t ngumiti na lamang, “Look dad, I’m okay and I’m always going to be okay. For once in my life naging masaya ako sa lugar na tinitirhan ko. Masaya ako sa piling ng mga kaibigan ko. Pati ba naman to, ipagkakait niyo pa sa akin?” Bulalas ko. I have always been the black sheep of the family kaya alam kong hindi na sila magugulat ba sa  mga salitang lumalabas mula sa bibig ko.

“Bakit anak? ayaw mo ba kaming makasama?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Mommy kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Once again, pakiramdam ko na naman, ako ang pinakamasamang anak sa buong mundo.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now