Chapter 19 : Team Timang

64.6K 2.1K 1.2K
                                    

19.

Team Timang 

Erin's Point of View

ERIN’S POV

2 weeks later.

“Erin magsisimula na ang movie!” Otomatiko akong nagtatakbo palabas ng kwarto ko nang umalingawngaw ang sigaw ni Kitty.

“Sandali lang!” Tatawa-tawa ako nang maabutan ko silang anim na nagsisiksikan na sa sofa at ano pa ang ginawa ko? Siyempre tumalon ako sa sofa at nakipagsiksikan na rin ako sa kanila.

“Utang na loob! Hindi ako makahinga!” Iyak ni James na siya palang halos madaganan na ni Robbie na walang tigil sa pagpapak ng popcorn. Hindi alintana ni Robbie ang mga daing ng nadadaganan niyang sina James, Ria at Milo kasi nakatuon lang ang atensyon niya sa tv.

Tawanan, kulitan, daldalan at kung ano-anong kalokohan. Nakakatuwa talaga silang kasama. Buti nalang talaga at napagdesisyunan kong mag-stay dito matapos mahuli si Kevin.

Galit parin ako kay Kevin. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong saktan at ang iba pa pero sa kabila ng lahat ayoko siyang manalo kaya heto at ipinagpapatuloy ko ang buhay ko kasama ang mga kaibigan ko at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Sana nga lang malaman na namin kung ano nga ba ang motibo niya, hanggang ngayon hindi pa kasi siya nagsasalita.

“Picture tayo!” Tumatawang sigaw ni Kitty at agad na nilapag sa ibabaw ng TV ang camera niya bago muling nakipagsiksikan samin.

“Say cheese!” Sigaw ni Ria at agad na nag-peace sign.

“Luma na yan! Say ‘TEAM TIMANG!’” Giit ni Robbie kaya lalo kaming nagtawanan.

“Team Timang? Saan galing yun?” Tanong ko.

“Samahan tayo ng mga timang at may toyo! Wag na kayong umalma!” Sabi pa ni James kaya hindi na kami umangal pa.

Ako, sina Curtis, Robbie, Ria, James, Milo at Kitty. Kaming pito ang bumubuo ng Team Timang. Sa maikling panahon na nagkakilala kami ay napakarami na naming pinagdaanan at masayang pinagsamahan. Nakakatuwang isipin na noon halos magsabunutan kami ni Kitty pero ngayon heto kami nila Ria at halos magkakapatid na ang turingan sa isa’t-isa. Basically, the seven of us are like bestfriends.

Nasa kalagitnaan kami sa panonood ng pelikula nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.

“Si Hiro na naman ba yan?” Kunot-noong sambit ni Curt na tila galit. Anyare? Good mood siya kanina ah? Di kaya nagseselos to? Ay imposible. Wala naman siyang gusto sakin.

“Sagutin ko muna to.” Ngumiti na lamang ako.

“Ano?! Teka kakikilala niyo lang sasagutin mo na agad?! Nababaliw ka na ba?!” Biglang sigaw ni Curt kaya maging ang iba naming mga kaibigan ay napatingin narin sa kanya.

“Hoy tawag ang ibig kong sabihin! To naman masyadong OA!” Tumawa na lamang ako at agad na lumabas ng bahay.

“Kuya Dominic!” Hindi ko naitago ang saya ko nang sagutin ko ang tawag ng pinsang matagal ko ng hindi nakikita. Sayang nga lang at hanggang ngayon nasa amerika parin siya kasama ang fiancé niya.

“Pasensya na talaga pero baka sa pasko pa ako makakauwi. Kamusta ka na?” Aniya kaya napakagat na lamang ako sa labi ko at tumango-tango.

“Okay lang naman ako kuya. Minsan napapanaginipan ko ang mga nangyari pero matapang ako Kuya. Makakamove-on rin ako sa bangungot na yon.” Biro ko na lamang.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now