Chapter 23 : Take One

74.7K 2.2K 2.3K
                                    

23. 

Take One

Robbie's Point of View

Abala ang lahat sa pag-aayos sa kani-kanilang mga gamit pero heto ako’t naglilibot sa lugar na nagsilbi kong tahanan sa loob ng apat na taon. Andami na talagang nagbago rito.

“Robbie sandali!” Biglang may sumigaw kaya agad akong tumigil sa paglalakad at lumingon.

Napangiti ako nang makitang si Sophie pala.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko.

“Malay ko. Ang boring sa room eh, walang kwarto tas walang kwentang kausap si Zoey at KC.” Reklamo niya kaya natawa na lamang ako.

“Teka si Curt yan diba? Bat parang badtrip siya?” Aniya sabay turo sa balkonaheng hindi kalayuan sa amin.

Nagtaka ako nang makita ko si Curt na nakatanaw sa malayo at tama si Sophie, mukhang badtrip na badtrip si Curt.

“Curtis na mukhang ipis, anong ginaga—“ Natameme ako nang bigla na lamang sinuntok ni Curtis ang pader at agad na naglakad palayo. Kinilabutan ako sa galit na gumuhit sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganun katindi.

“Anong problema nun?” Tanong ni Sophie kaya nilibot namin ang mga paningin namin upang hanapin kung ano ang gumalit ng ganun kay Curt.

Mabilis nasagot ang tanong ko nang makita ko sina Erin at Hiro malapit sa dalampasigan. ‘Di na ako magtataka bakit nagalit ang mokong, may gusto ‘yon kay Erin eh.

Jared at Darren Flavier, sino ba kayo? Anong kinalaman niyo sa nangyari sa amin noon at sa ginawang kabalbalan ni Kevin?

“Lalim ng iniisip ah? Why oh why?” Tanong ni Sophie habang naglalakad-lakad kami.

“Naalala mo ba yung lalaki kanina sa school?” Sinagot ko ang tanong niya gamit ng isa pang tanong.

“Ah yung matanda? Bakit sino yon?”

“Detective siya at hinahanap niya sina Jared at Darren Flavier. Siya ang Darren na kaibigan rin nila Dixon.”

“Oh my God! So meaning maaring nasa school lang si Darren?”

“Yan nga ang kinakatakot ko. Paano kung yung Darren ay kasabwat ni Kevin sa mga pagpatay? Paano kung hindi pa siya tapos? Paano kung may ibig sabihin tong pagdating natin sa Provident High?”

“Whoa Robbie, okay stop, you are officially creeping me out.” Reklamo ni Sophie na nakangiti parin.

“Gusto kong balaan ang lahat ng nandito pero paano kung nandito rin si Darren sa islang ‘to at nagbabalat-kayo lang. Paano kung malaman ni Darren na nakukutuban ko ang kademonyohan niya. Sophie ayokong manakot pero nararamdaman ko ngayon ang kabang naramdaman ko last year.”

“Trust no one Sophie.” Dagdag ko pa.

“Hey if you plan to leave the island count me in.” Aniya kaya napabuntong hininga ako.

“Sophie, kung totoo ngang pinlano ni Darren ang lahat ng ‘to. Wala na tayong pagkakataong umatras. Nandito na tayo sa isla at hawak na niya ang mga leeg natin. Maaring lalo tayong mapahamak pag nagtangka tayong umalis.”

“Wait so that’s it? You’re not going to do anything?” Kunot-noo niyang tanong.

Aanhin pa ang mga babala kung sa huli wala parin namang maniniwala sakin.

“Pray, Stay alive and not trust anyone. That’s the most powerful thing in this island right now. If there really is a murderer, he will do everything to keep us in this island. Last year tinangka naming umalis pero ano ang nangyari? Namatay ang mga gwardyang nagtangkang umalis. Sana nga lang talaga mali ako sa kutob kong ‘to Sophie.”

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now