Chapter 3

56.3K 2.9K 1K
                                    

Naging usap-usapan lalo na sa aming mga kasambahay ang tungkol kay Azazel Callisto. Sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon o sa tuwing nakikita ng iba ang lalaki, hindi mawawala ang pagkukwentuhan. Hindi rin naman kasi madalas na makita ang nag-iisang anak ng mga Callisto sa loob ng mansyon kaya ganoon na lang din siguro ang tuwa nila.

"Ang gwapo talaga ng anak nila Doc, no?" sabi ni Ate Cora isang gabi nang tapos na kami sa mga gawain at naghahanda na sa pagtulog. Nagpapahid s'ya ng kung ano sa mukha n'ya.

"Hay, naku! Sinabi mo pa! Parang artistang poreneyr! Ngayon lang ako nakakita ng gano'ng kagwapo sa buong buhay ko!" sabi naman ni Ate Edith.

"Sumbong kita sa asawa mo, Ate Edith," sabi ni Ate Agnes at nagtawanan sila.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi lang 'yon ang gabi na pinag-usapan nila ang tungkol sa batang Callisto. Mas lalo na noong unang linggo mula nang umuwi si Sir Ace. Kahit nagtatrabaho ay pinag-uusapan pa rin nila.

Nakikinig lang ako sa kanila sa lahat ng pagkakataon pero hindi ko mapigilan ang 'di sumang-ayon. Totoo naman kasi. Kahit ako ay ngayon lang din nakakita ng ganoong kagandang lalaki. Akala ko ay sa mga palabas lang ako makakakita ng katulad n'ya. Gwapo at maganda pa ang pangangatawan.

"Nakakaganang magtrabaho kapag may ganoong nakikita. Gwapo na tapos bata pa. Hindi 'yung asawa ko na lang palagi ang nakikita ko," reklamo ni Ate Edith. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagtutupi sa mga damit namin.

"Ang gwapo nga ni Sir Ace, ate," sabi ni Larissa sa gitna ng paggawa ng assignments n'ya. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Nagkita kayo?" I asked.

Umiling si Larissa. "Hindi. Ako lang nakakita sa kanya. Papasok na ko no'n sa school tapos nakita ko s'ya, pumasok ng bahay. Nag-jogging yata."

Napatango ako. "Basta, ha? Iwasan mo sila. Baka sabihin pagala-gala ka dito sa bahay, eh, nakikitira lang naman tayo dito."

"Alam ko naman 'yon, ate. Pero, aminin mo. Gwapo talaga si Sir Ace, 'no?"

Bumuntonghininga ako at kumuha ng bagong damit na tutupiin sa mga sinampay na hinango ko kanina.

"Ikaw, Larissa, ha? Bata ka pa."

"Bakit? Naggawapuhan lang, eh," pagrarason n'ya pa. Sinimangutan ko tuloy kaya bumalik na s'ya sa paggawa ng assignment n'ya.

"Kanino pong damit 'to?" tanong ko nang hindi pamilyar ang damit na tutupiin ko. Ginugrupo ko na kasi ang mga damit na natupi ko na.

"Ay, sa akin 'yan, Rey," sabi ni Ate Agnes kaya tumango na lang ako at nagpatuloy na ulit sa pagtitiklop.

Ilang buwan din ang lumipas at hindi ko rin naman madalas makita si Sir Ace sa mansyon. Kahit din naman sina Doc. n
Naiintindihan ko dahil abala sila sa hosital. Siguro, sinasanay na rin nila ang anak nila 'cause he'll be the one who'll handle the hospital in the near future.

Sa tingin ko rin, imbes na maglagi sa bahay ay sinasanay rin ni Sir Ace ang sarili n'ya sa bagong lugar. I heard that he's planning of staying here. Parang dito na yata planong ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina.

Iwas na iwas naman ako sa kanya kapag may pagkakataon na nakikita ko s'ya sa mansyon. That conversation we had during his party was our first and last conversation. Wala rin naman akong planong dagdagan pa 'yon. Anak s'ya ng mga amo ko. Kaya technically speaking, amo ko na rin s'ya.

Ilang beses na rin akong bumisita kay Mama habang nasa loob s'ya ng kulungan. At sa bawat pagkakataon ay mas nalulungkot lang ako. Ang payat-payat na n'ya. Ibang-iba na ang itsura n'ya dati noong kasama pa namin s'ya. Gustong-gusto ko na s'yang makalabas ng kulungan pero wala naman akong magawa.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now