Chapter 10

55.4K 2.9K 1.4K
                                    

Hindi ako mapakali habang nakaupo. Maingay dahil sa malakas na tugtog ng electronic music na nanggagaling sa malaking speaker at ang mga tao sa paligid ay halatang nakakasiyahan. Pero ako ay hindi makalma. Kanina ko pa nararamdaman ang pagtitig sa akin ng kung sino.

Pigil na pigil ang leeg ko sa paglingon. Kahit naman hindi ko tignan ay kilala ko na kung sino ang nakatitig sa akin. It was the bartender, James. Hindi ko lang alam kung bakit n'ya ako tinititigan kanina pa.

I tried to ignore it and shake off the feeling of his intense stare. Na kahit hindi ko nakikita ang ginagawa n'yang pagtitig sa 'kin, ramdam na ramdam ko naman iyon, tumatagos sa 'kin, bumubutas sa pagkatao ko.

Kinuha ko ang baso ng beer at sinubukang inumin iyon. I was trying to enjoy the night for Janina. Kanina pa kasi sila nagsasaya. I was thankful for them for including me in their every conversation. Hindi nila hinahayan na makaramdam ako na hindi kasama sa kanila.

Most of the time, they were asking questions about me. Na maingat ko namang sinsagot. nahihiya na nga ako kay Janina dahil birthday celebration n'ya 'to pero parang ako pa ang nagiging center of attention.

Now that they're finally done asking me questions, they started drinking. Sinusubukan kong makisabay sa kanila pero nahihirapan ako lalo pa at ramdam na ramdam ko ang titig ng isang lalaki sa 'kin.

"Bottom's up na!" Brent cheered when it was Janina's turn to drink.

"May duty pa tayo bukas, hoy!" Mandy tried to remind them pero natatawa rin naman at mukhang game pa sa bottom's up game nila.

"Mahiya naman kayo kay Miss Rey!" Lana said.

Napasimangot ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko. They really looked like they're having fun and I don't want to ruin it just because of this strange feeling.

"Isang tawag pa talaga sa 'kin ng 'Miss Rey', uuwi ako," I jokingly warned.

"Rey, okay lang naman, 'di ba?" tanong ni Janina na sumisigaw na. Based on her slurred speech, halatang may tama na s'ya. Komportable na rin s'ya sa pagbanggit ng pangalan ko lang.

"What?" I asked.

She showed me the mug of beer. Natawa ako nang malakas at tumango.

"No need to ask for my permission, Janina. It's your birthday! You have a pass to do anything you want!"

Janina giggled. Itinuro ako pero dahil may tama na ay hindi deretso ang pagturo n'ya.

"Kaya feeling ko talaga magkakasundo tayo, eh!" she said before she turned to her drink. In no time, she was already chugging down the beer.

"You go, girl!" Brent even cheered.

Malakas na ibinaba ni Janina ang mug sa table nang maubos n'ya ang laman. She stood up. Hinila n'ya si Brent at Sheena patayo.

"Tara sa dancefloor!" she said.

Tumayo na rin sina Mandy at Lana at sinubukan akong hilahin patayo. Panay ang pag-iling ko habang ginagawa nila 'yon.

"No! Kayo na lang!" I said, laughing.

"Sige na, Rey!" Janina said, mukhang narinig ang pagtanggi ko. "Isang beses lang."

I shook my head. Ayoko talaga. Kahit sa Manila, sa tuwing sinasama ako ni Ace sa mga lugar na ganito, hindi talaga ako nagpupunta sa dancefloor. I don't think I'll enjoy being there. Madalas rin naman na nasa VIP room si Ace at doon nagce-celebrate ng mga kasama n'ya.

"Birthday wish, please," si Janina na ginamit na ang birthday card n'ya.

I looked at her. Mukhang hindi talaga s'ya titigil hangga't hindi ako pumapayag. Halata ring may tama na s'ya kaya kahit anong pagtanggi ko ay hindi n'ya tatanggapin.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now