Chapter 37

49.8K 3K 1.3K
                                    

Nakasunod lang ako kay Lucius habang naglalakad. He already dismissed those three men I saw with him earlier kaya sila nina Hunter at Creed na lang ang kasama ko ngayon. Hunter was walking beside me while Creed was behind us. Si Lucius ang nauuna sa paglalakad at sinusundan lang namin s'ya.

I was fully aware that we're kinda receiving some attention from customers and the employees. Ang una nilang tinitignan ay si Lucius na namumukhaan ata nila bilang may-ari ng hotel na 'to. Then their eyes would drift at the two men walking beside me and behind me. And finally, their gaze will settle on me. Curiosity was in their eyes, they were probably thinking who I was and why three hot men were walking with me like they were my bodyguards.

I groaned inwardly. Sinubukan ko na lang pansinin ang mga dinaraanan namin kaysa sa tingin ng mga tao. Pero mas lalo lang yata akong na-frustrate nang lumiko kami sa isang pasilyo at nabasa ko ang sign sa taas ng hallway na 'yon.

VIP Suites.

Gosh... Mas nararamdaman ko na ngayon ang kahihiyan.

Hindi ko talaga alam na mayaman pala si Gray at ang mga kaibigan n'ya!

Lucius finally stopped walking. Tumigil s'ya sa tapat ng isang pinto at sa double door pa lang, alam ko nang malaki ang suite na 'yon. Magrereklamo na sana ko but Lucius already tapped the key card and opened the door.

Nilingon ako ni Lucius. He jerked his head inside the suite.

"Come in," he said.

Nakatingin silang tatlo sa 'kin, hinihintay na pumasok ako kaya wala na akong nagawa at pumasok na sa loob. The room was enormous. Sobrang lawak ng buong room at kumpleto ang mga gamit sa loob na halatang mamahalin kaya hindi na nagtagal ang paningin ko roon. The wall was made of glass and we're like on the top floor kaya sa hula ko ay maganda ang view sa baba kapag tumingin ako roon.

And the thing that really got me was the chandelier.

There was a freaking chandelier!

"May tanong ako," sabi ko kay Lucius nang tinignan ko s'ya.

"Yes?" he asked. He looked eager to answer all my questions.

"Anong definition mo ng malaki? Hindi pa ba malaki para sa 'yo ang suite na 'to?"

Ang sabi n'ya kanina, hindi pa raw ito ang biggest suite nila. Gaano pa kaya kalaki 'yon? Ayoko na lang isipin.

Lucius let out a chuckle. He raked his hand on his hair before he took a step forward and handed me the key card.

"Here."

Hindi ko 'yon tinanggap.

"Lucius, hindi naman kailangan na dito ako mag-stay. Kahit 'yung normal room n'yo na lang. Basta may matulugan lang ako."

I heard Creed chuckle kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi papayag si Gray n'yan."

I pursed my lips. Gusto ko sanang sabihin na si Gray pa nga ang nakikitulog sa apartment ko, doon sa sofa, kahit may sarili naman s'yang apartment. But I decided not to say anything.

"We'll take care of you while you're here," Lucius said.

I gave him a reluctant smile.

"Okay lang naman ako rito."

"Here, take it," sabi ni Lucius nang iabot ulit ang key card sa akin. "Just call the front desk if you need anything. Libre ang lahat."

Mas lalo akong nahiya dahil doon.

"Nakakahiya naman—"

"Don't be," putol ni Hunter sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kanya. He was smiling gently at me. "You're my brother's girlfriend."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now