Chapter 16

50.4K 2.6K 865
                                    

Naiwan ako sa pwesto nang umalis si Gray. Alam ko rin naman na hindi s'ya gaanong magtatagal. Baka nga hindi pa abutin ng five minutes dahil kukunin n'ya lang naman ang mga gagamitin n'ya para sa mix n'ya. And I could still see him from where I was sitting, taking everything he'll use for the mix.

Pinipigilan ko ang sarili ko na luminga sa paligid habang hinihintay si Gray. I wanted to observe my surroundings. Siguro ay nasanay na rin ako sa trabaho kong palaging nag-o-observe.

But I was worried I might meet gazes from the men that Gray was talking about earlier. Tama rin naman s'ya. One look and they will take that as a chance and opportunity. Iyon lang din naman ang hinihintay nila bago lumapit. And I won't give it to them.

I don't want to put myself in a situation I know I'll have a hard time escaping. Lalo pa at ngayon ang unang beses na napag-isa ako sa club. Dati kasi ay hindi ako nilulubayan ni Ace kapag nagpupunta kami sa club. And I was actually thankful of him for that dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong lugar.

I sighed. Bakit nga ba ako pumayag na sumama kay Gray dito knowing na magtatrabaho s'ya at may mga pagkakataon na kailangan n'ya kong iwan?

"Hi."

I looked to my side and saw a guy smiling at me. Hindi naman nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil agad akong umiwas ng tingin.

Shit... I shouldn't even have glanced at him!

Nagulat kasi ako. I was in deep thoughts. Isa pa, malakas ang music kaya nang marinig ko na may nagsalita nang malinaw sa malapit ko ay nagulat ako at napatingin sa kanya. Hindi ko rin naman akalaing may lalapit sa 'kin.

Isa siguro s'ya sa mga lalaking sinabi ni Gray kanina. So may nagtatangka talagang lumapit sa 'kin.

"I noticed that you're alone. Baka gusto mo ng kasama?" dinig kong sabi ng lalaki sa tabi ko.

Napangiwi ako. Sabi na nga ba. Hindi ko talaga dapat sinulyapan man lang. Baka isipin pa na interesado ako sa kanya.

I know... Hindi ko na lang siguro s'ya kakausapin. If I give him any attention, kahit ang kausapin para tumanggi ako, some will take it as I am just playing hard-to-get. Meron din naman na rerespetuhin ang gusto mo at aalis na lang kapag sinabing hindi interesado sa anumang inaalok nila.

But I don't know which one of the two is the man beside me. Kaya doon na lang siguro ako sa mas safe. Ang hindi s'ya kausapin.

"Kanina pa kasi kita tinitignan. I figured I should just join you if you're alone since I'm alone too. Mas okay kung may kasama, 'di ba?," sabi pa ng lalaki.

Okay. So he's the former one. Isa s'ya sa makukulit at mapilit kahit pa halata namang wala akong planong bigyan s'ya ng atensyon. Halos tumalikod na nga ako sa kanya sa pagkakaupo ko.

If Ace is here, he'll surely flip. Magagalit pa sa 'kin dahil hinayaan kong makalapit sa 'kin ang lalaking 'to at kausapin ako. Kaya nga kapag pumupunta kami sa club ay ako na rin ang hindi lumalayo sa kanya. Ayokong maulit na nagalit s'ya nang may isang beses na may lumapit sa 'king lalaki nang sandali n'ya akong iwan.

Pagkatapos no'n, palagi na kaming sa VIP room naglalagi sa mga club.

Hinanap ng mga mata ko si Gray. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang papalapit na s'ya sa 'kin. May hawak s'yang cocktail glass sa isang kamay n'ya at ang laman ay kulay blue na inumin.

But he wasn't looking at me as he walk towards to where I was sitting. Mas nakatingin s'ya sa lalaking katabi ko. Bahagya ring magkasalubong ang mga kilay n'ya.

Tumigil s'ya sa harapan ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napatingin sa kanya ang lalaking katabi ko.

"James! What's up, man?" rinig kong bati sa kanya ng lalaki.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now