Chapter 50

52.6K 3.3K 1.3K
                                    

It was that name again. I've already heard it before pero hindi ko na magawang kalimutan ang pangalan na 'yon na para bang kahit sa unang beses ko pa lang narinig ay tumatak na iyon sa isip ko.

Nandito na naman ang pakiramdam na naramdaman ko rin noong una kong marinig ang pangalang 'yon. It wasn't a nice feeling. Hindi maganda sa pakiramdaman. I couldn't even explain the exact feeling I was feeling right now.

Jealousy? I don't think so.

Inamin kong nagselos ako noong binanggit sa akin ni Gray ang tungkol sa maid cafe. Just imagining him with those servers annoyed me and I knew that I was feeling jealous that time.

But this... It was so different. This was more... intense. More intense that I started to overthink things.

I began to feel anxious. It had been so long since I last felt like this. Pinag-aralan ko kung paano kontrolin ang emosyon ko, kung paano maging kalmado sa lahat ng bagay lalo pa at kailangan iyon sa trabaho ko. Kailangan iyon ni Mama at ng kapatid ko.

But now... Just the mere mention of that name made me feel anxious again.

Natatakot ako...

Napansin kong nakatitig sa akin si James. Hindi ko alam kung gaano na n'ya katagal ginagawa iyon pero nasisiguro kong nakita n'ya ang emosyon na rumehistro sa mukha ko.

"You know her?" he asked.

I tried to calm myself. Hindi ko hinayaang kontrolin ako ng emosyon ko lalo pa at ibang tao ang kaharap ko. One of Gray's alters. I shouldn't give him any idea that he has the power over me. Baka maulit lang at hindi makabuti para kay Gray.

Nang masiguro kong kaya ko na ay saka lang ako umiling sa tanong n'ya.

"Narinig ko lang 'yung pangalan n'ya... Nu'ng makausap ko ang mga kaibigan ni Gray," I said.

James tilted his head to the side. He was clearly observing me. Sinubukan kong gawing blangko sa mga emosyon ang mukha ko.

"But surely you have an idea who she was... by just her name."

Shit. Wala na... Nakita n'ya talaga ang naging reaksyon ko kanina.

He was right. I actually have a lot of ideas about who Violet is. Pero hindi ako nagsalita. Ayokong magsalita. Sa palagay ko ay mas masasaktan lang ako kapag nagsalita lang ako.

"Lilac."

Nahigit ko ang paghinga ko sa narinig mula kay James. Kaagad na lumukob ang sakit sa dibdib ko. I gritted my teeth to try to stop the pain but it didn't do anything. Sinubukan ko ring kontrolin ang paghinga dahil sa bawat paghinga ay mas lumalala lang ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag mas lumala pa dito ang sakit.

Kaya pala... Naaalala ko nang mabanggit ko rin kina Hunter at Creed ang pangalan ni Lilac. Kaya pala ganoon ang naging reaksyon nila. They had a strange look on their face as they exchanged glances. Na para bang may alam sila at ayaw ipaalam sa akin. Binalewala ko ang iyon dahil iyon din ang unang pagkikita namin at wala pa akong alam sa lahat.

Pero ngayon... naiintindihan ko na. Malinaw na sa 'kin ang naging reaksyon nila simula nang marinig ko ang pangalan ni Violet. At that time... I already have an idea who she is. Pero ngayon lang nakumpirma ang ideya kong 'yon.

Gray named Lilac after Violet.

Whoever Violet is must be so important to him that he named the pet, the only company he had when he left everything, after her.

"Based on the look on your face, it seems like you do have an idea," James said. Mukhang pinag-aaralan talaga ang mga pinapakita kong reaksyon.

I looked at him. Nag-alangan pa ako sa itatanong ko. Mukhang nahalata naman iyon ni James dahil hindi s'ya nagsalita at parang hinihintay lang akong sabihin iyon.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now