Chapter 22

52.5K 3.1K 1.5K
                                    

Inakala ko pang may pasok ako para sa araw na 'yon paggising ko kaya nagmadali akong bumangon. Nagtaka pa nga ako kung bakit hindi nag-alarm ang phone ko. Mabilis akong magising kaya sigurado ako na magigising agad ako kung tumunog nga ang alarm.

Ilang sandali pa bago rumehistro sa 'kin na rest day ko pa nga rin pala. Tinignan ko ang oras sa phone ko. It's thirty minutes past eight, medyo late sa usual na oras na gising ko.

Tumayo na ako sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. Gamit lang ang daliri ay sinuklay ko ang buhok kong nagulo dahil sa pagtulog. Nang masigurong presentable naman ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.

I definitely looked like I just woke up. Pero wala naman akong planong manatili lang sa loob ng kwarto habang inaalis ang antok sa mukha ko. Sayang ang oras. Late na nga akong nagising.

I went outside the room, expecting to see Gray still sleeping on the sofa. Pero bakante ang sofa nang makita ko. Instead, I heard the sound of the bathroom door opening kaya napatingin ako doon.

I saw Gray stepping out of the bathroom. His hair was damp. He's using a towel on his hand to dry it off. He was only wearing his pants, hugging his waist, without any shirt on.

Natigilan ako nang makita ko s'ya. Kahit si Gray din ay natigilan. Napatigil pa s'ya sa pagpupunas ng buhok n'ya. His hand was hanging still as he stared at me.

Napalunok ako. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na pasadahan ng tingin ang katawan n'ya. Hindi ko alam! Parang may sariling buhay ang mga mata ko at basta na lang tumitig sa katawan ni Gray!

Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking walang tshirt dahil sa mga party na isinasama ako ni Ace. Some of them were pool parties. Pero ito ang unang beses na napatitig na lang ako sa katawan ng isang lalaki.

Gray's body was ripped, lean, and muscular. Like from those male models I always see from billboards. He has eight-pack abs and the v line from his waist down to his hips was visible.

Natigilan ako nang may mapansin sa katawan n'ya. Nakita ko na iyon sa bandang dibdib n'ya, malapit sa kaliwang balikat. Pero nakita ko rin iyon sa bandang tyan n'ya, just below his right ribs. Hindi mapapansin sa una pero dahil halos titigan ko ang bawat parte ng katawan n'ya ay nakita ko iyon.

Are those scars from gunshot wounds? He's been shot before?

Napabalik ang tingin ko sa mukha ni Gray nang gamit ang towel ay tinakpan n'ya nang bahagya ang katawan n'ya. He even looked like he's shielding his body from me. Nakita ko sa mga mata n'ya ang kunwaring takot habang nakatingin sa 'kin.

"Please, huwag po..." he said, sounding so scared.

I glared at him. Saka lang s'ya ngumiti at tumayo na nang ayos. Bumalik s'ya sa ginagawang pagpupunas ng buhok n'ya kanina at humakbang palapit sa 'kin.

"Good morning, Rey," he greeted me with all smiles.

"Umagang-umaga nakahubad ka d'yan," I asked.

I caught the scent of my shampoo and body wash when he walked passed by me para siguro kunin ang tshirt n'yang nakasampay sa backrest ng sofa. Napakunot ang noo ko at lumapit sa kanya para alamin kung tama ba ang naamoy ko. I held his arm. Iniharap ko s'ya sa 'kin at inilapit ang sarili ko sa kanya para mas maamoy s'ya.

"Woah!" he exclaimed. Nagulat sa ginawa ko pero hindi naman lumayo. "Maaga pa para dito, Rey," he said, chuckling with his words.

Lumayo ako sa kanya at pinaningkitan s'ya ng mga mata.

"Ginamit mo ba shampoo at bodywash ko?" I asked.

"Oo," nakangiti pang sabi n'ya na parang hindi nagsisising nahuli ko s'ya.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now