Chapter 56

44.6K 2.8K 740
                                    

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng kotseng minamaneho ni Ace. Pero wala naman sa mga nakikita ko sa labas ang isip ko. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha sa mga mata ko na hindi na natigil simula nang umiyak ako sa mga balikat ni Larissa hanggang sa pagsakay namin sa kotse.

Tinabihan ako ni Larissa sa backseat. Hindi s'ya nagsasalita pero ramdam ko ang nag-aalalang tingin n'ya sa akin. Ramdam ko rin ang palitan nila ng sulyap ni Ace mula sa rearview mirror pero nanatili pa rin ang tingin ko sa labas. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako para pigilan pa ang luha ko sa pagtulo.

My heart was still breaking. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkabasag noon at hinahayaan ko lang ang sarili kong maramdaman iyon. It was how I punish myself. Sa paraang iyon, makabawi man lang ako sa hindi ko pagtupad ng pangako ko kay Gray na palagi akong mananatili sa tabi n'ya at hindi ko s'ya iiwan.

I left him. He was now alone again.

Pero hindi ko rin naman kayang manatili sa tabi n'ya sa isiping hindi naman n'ya talaga ako minahal. Na ibang tao talaga ang mahal n'ya. Pakiramdam ko, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa kanya.

Sana kasi, hindi n'ya na lang pinaramdam na parang mahal n'ya ako.

'Yung mga ginawa n'ya sa akin, 'yung paraan ng tingin n'ya sa akin noon, ano 'yon? Hindi pala totoo ang lahat ng 'yon? Ang galing n'ya naman dahil napaniwala n'ya akong mahal n'ya talaga ako dahil sa mga 'yon.

But... I'm not mad at him. Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit ganitong sakit ang binigay n'ya sa akin. Sa tuwing naiisip ko ang itsura n'ya kaninang iniwan ko na s'ya, mas nasasaktan pa ako nang dahil doon.

A part of me still understands him. A part of me still wanted to understand him.

I let out a deep sigh. Siguro, dahil na rin iyon sa pagiging psychologist ko. Isa pa, mahal ko pa rin naman si Gray. Kung ang mga nagiging pasyente ko ay gusto kong maintindihan, mas lalo na si Gray.

Narinig ko ang pagtikhim ni Ace mula sa driver's seat pero nanatili pa rin akong nakatingin sa labas.

"Saan kita ihahatid, Rey?" he asked.

Doon lang ako napatingin sa kanya. Oo nga pala. Wala akong tutuluyan dito sa Manila. I don't think I could stay at the Callisto mansion again. Noong nakaraang pumunta naman ako rito, Lucius provided my accomodation kaya hindi ko naging problema ang tutuluyan ko.

Nawala 'to sa isip ko. Ang gusto ko lang kasi kanina, makabalik sa Manila kung saan mabilis kong mapupuntahan sina Mama at Larissa.

I wiped my tears off my face before answering him.

"Mag—" I cleared my throat when my voice came out hoarse. "Magbu-book na lang ako sa murang hotel."

Nakita kong napakunot ang noo si Ace.

"How about at the hotel where you stayed last time? D'Angelo Hotel?"

"'Wag!" Napalakas ang boses ko kaya nakita ko ang pagkagulat nila ni Larissa. Muli akong tumikhim. "'Wag do'n. Du'n lang sa mura."

Napansin ko na muli silang nagkatinginan ni Larissa through rearview mirror. Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingin sa labas ng bintana.

Wala akong naging plano nang gustuhin kong bumalik dito sa Manila. Which is unusual for me dahil bago ako gumawa ng hakbang, nagpaplano na muna ako. Sa ngayon, ang gusto ko lang talaga ay makasama ang pamilya ko. 'Yung madali ko silang makikita.

I wanted to be with them when I'm like this. Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang sakit kung malayo pa ako sa kanila. I need them, kasi kahit na sila ang dahilan kung bakit ako napapagod, sila rin naman ang may kakayahang palakasin ako. Sa kanila rin ako kumukuha ng lakas.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now