Chapter 58

49.7K 3.4K 1.4K
                                    

Pakiramdam ko ay hindi na yata kinakaya ng utak ko ang lahat ng nalalaman ko ngayon. Kinailangan ko pa ng mga ilang minuto para lang maproseso ng utak ko ang sinabi ni Attorney Villaraza. Nanatili lang ang titig ko sa kanya at sinusubukang intindihin ang sinabi n'ya.

Tama naman ako ng pagkakaintindi, 'di ba? Kinausap s'ya ni Gray to take my mother's case. S'ya na ngayon ang lawyer na humahawak ng kaso ni mama.

And he said that he was waiting for the trial date before he'll tell it to me at kaninang pagkakita n'ya sa akin, ang sabi n'ya ay he was about to call me regarding my mother's case. Ibig sabihin... may schedule na ang trial ni mama?

"Bakit..." Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko. "Bakit naman 'yon gagawin ni Gray?"

Napakunot-noo si Attorney Villaraza sa tanong ko.

"What kind of question is that?" sabi n'ya sa seryosong boses. "Of course, he wanted to help you."

"Pambawi n'ya ba sa pananakit sa 'kin?"

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Attorney Villaraza. Halos magsalubong na nga ang dalawang kilay n'ya. He looked as if he was at lost sa kung anong sinasabi ko. Kitang-kita ko rin ang kalituhan sa mukha n'ya.

"What are you talking about?" he asked.

Humugot ako ng malalim na paghinga dahil naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Gray kaya naramdaman ko ang pananakit sa dibdib ko.

"We broke up," I said, trying to control the pain in my voice. Hindi ko alam kung nahalata ng dalawang abogado sa harap ko. "Nalaman kong hindi talaga ako ang mahal ni Gray."

Attorney Villaraza and Creed exchanged looks. Parehong may seryosong ekspresyon sa mga mukha nila nang tumingin sila sa 'kin that I started to feel intimidated. Pakiramdam ko ay nasa witness stand ako and they would start throwing questions at me anytime to know what I was hiding.

Pero wala naman akong itinatago sa kanila. Tinignan ko sila pabalik sa kalmadong tingin.

"Kung ginagawa 'to ni Gray para makabawi, please, tell him to stop," sabi ko pa na deretsong nakatingin kay Attorney Villaraza.

Ilang sandaling nakatitig lang sa akin si Attorney Villaraza bago s'ya bumuntong-hininga. He leaned his left elbow on the desk and used his knuckles to lean his chin on it. Nagpangalumbaba s'ya at mukhang malalim na nag-isip.

Napatingin na ako kay Creed nang may ilang sandaling hindi pa rin nagsasalita si Attorney Villaraza at nag-iisip lang. Nagkibit-balikat lang s'ya sa akin pero magaan ang mga tingin n'ya. Like he was trying to comfort me with that look.

"When was this?" tanong ni Attorney Villaraza kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"Ang alin?"

Tinanggal n'ya muna ang salamin sa mga mata at ipinatong iyon sa ibabaw ng table bago tumingin sa akin.

"Your breakup?"

"Two days ago," I said. Mukhang wala pa talagang pinagsasabihan si Gray sa paghihiwalay namin.

"Miss Denava—"

"Kahit 'Rey' na lang ang itawag n'yo sa 'kin, Attorney."

Mukhang pinag-isipan n'ya pa 'yon ng mga ilang sandali bago tumango.

"Okay. Rey. Matagal nang hininging pabor 'to sa 'kin ni Gray. Even before you went back to Manila to talk with us for the first time."

Nagulat ako roon. "What?" Hindi ko alam na gano'ng katagal na.

"Yes." Attorney Villaraza stood up. Naglakad s'ya paharap sa desk at isinandal ang mga balakang doon. Sa tingin ko ay ginawa n'ya iyon para mag-level ang mga paningin namin. "So, before I even got to meet you, I already had an idea who you are."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now