Chapter 5

56.3K 2.5K 1.2K
                                    

Nakaupo kami ni Larissa sa visitor's area habang hinihintay si Mama. Hindi iyon ang unang beses na nakapunta kami doon at dinalaw si Mama pero pansin ko ang pagtingin sa paligid ni Larissa na para bang hindi n'ya pa nakita ang lugar noon. Siguro ay naghahanap ng mapaglilibangan habang wala pa si Mama.

I was excited now that I'm gonna see our mother again. Pero nandoon din ang kaba sa akin. Kaba sa kung anong maaaring makita namin ngayon. At sa tingin ko, ganoon din ang nararamdaman ni Larissa. Hindi n'ya lang pinapahalata sa akin kaya nililibang na lang ang sarili sa pagtingin sa paligid.

Sa bawat pagdalaw namin, iba-iba ang nasasaksihan namin kay Mama. Dahil sa kondisyon n'ya. May mga panahon na maayos s'ya pero madalas ay hindi. Sa tuwing dumadalaw kami na ganoon s'ya, hindi ko maiwasan ang masaktan.

Her psychiatrist said that her trauma was too deep that she was having a hard time moving on. Hindi gaanong nakakatulong ang medications n'ya. Sinusubukan kong gamitin ang napag-aralan at kaalaman ko sa kanya pero nahihirapan ako sa konting oras namin. Lalo pa at hindi rin naman pwedeng sunod-sunod ang pagdalaw ko sa kanya.

Hindi na rin umusad ang kaso ni Mama dahil sa kondisyon n'ya. Hindi tatanggapin ang testimony n'ya kung ganito s'ya kaya hinayaan muna s'yang manatili dito sa institution habang nagpapagaling.

"Si Mama," tawag-pansin sa akin ni Larissa.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin s'ya sa bukana ng visitor's area kaya tumingin rin ako doon. Inihanda ko ang ngiti ko habang papalapit sa amin si Mama na hinahatid ng isang nurse.

"Ma..." bati ko sa kanya nang makalapit s'ya.

Kumpara noong nasa kulungan s'ya, nakikita kong maayos ang lagay n'ya dito sa institution. Hindi na s'ya payat at nagkaroon na ng kaunting laman. Pero payat pa rin kung ikukumpara noong magkakasama pa kami. Nakasuot s'ya ng simpleng tshirt at shorts. Ang buhok ay magulo mula sa pagkakapusod.

Kunot ang noo n'ya nang tumingin sa akin. Pagkatapos ay tumingan s'ya kay Larissa sa tabi ko na tahimik lang na nakamasid kay Mama. She smiled widely when she saw her.

"Reyziel, anak..." she said and approached Larissa. Niyakap n'ya ang kapatid ko.

Napabuntonghininga ako. So it was one of those days again. Isa na naman 'to sa araw na hindi s'ya maayos. Tumingin ako sa nurse na naghatid sa kanya at tinanguan s'ya. Saka lang s'ya umalis at iniwan muna kami doon.

I looked at Larissa. Nakita ko ang pag-aalangan sa kanya habang yakap s'ya ni Mama. Siguro ay dahil tinawag na naman s'ya ni Mama sa pangalan ko. Sa huli ay yumakap na rin s'ya pabalik.

"Nasaan si Larissa?" tanong ni Mama nang bumitiw s'ya sa pagkakayakap kay Larissa.

"Ma, ako po si Larissa," my sister said.

"Pumasok ba? Ikaw lang ulit ang dumalaw sa 'kin ngayon?" tanong ni Mama na parang hindi narinig ang sinabi ni Larissa. "Sa susunod isama mo naman s'ya. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang kapatid mo.

"Ako nga po si Larissa, eh," ramdam ko ang tinatagong inis ng kapatid ko nang sabihin n'ya 'yon.

"Kumusta ang Papa mo, Reyziel?" tanong pa rin ni Mama na nakatingin kay Larissa.

"Ma, hindi nga ako si Ate," sabi ni Larissa na bahagyang kumawala ang inis. She was slightly frowning and it was clear that she's controlling herself.

"Larissa, ano ba?" mahinahong saway ko sa kapatid ko. Hindi dapat kami mag-away sa harapan ni Mama pero hindi ko nagugustuhan ang kilos n'ya.

Dahil doon ay napatingin sa akin si Mama. May pagtataka sa mga mata n'ya nang tignan ako. Nabawasan ang ngiti sa mga labi n'ya.

"Sino s'ya, Reyziel?" tanong ni Mama na muling tumingin kay Larissa.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon