Chapter 51

56.1K 3.3K 1.8K
                                    

I was so excited to wake up for this day. Siguro dahil doon kaya rin ako maagang nagising. I was expecting to wake up with Gray beside me since James told me to enjoy this day with Gray so I assumed that he'll front this time. Pero bakante ang bahagi ng kama sa tabi ko nang magising ako.

Ayos lang. Baka natutulog pa rin s'ya sa couch.

Naligo na ako at pagkatapos magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Naamoy ko agad ang pagkain at napakunot ang noo ko. Inaasahan ko kasing tulog pa si Gray pero wala na ring nakahiga sa couch.

Nag-order ba s'ya ng breakfast namin?

I walked further hanggang sa matanaw ko na ang dining table. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa na umuusok pa. Nakita ko si Gray na nakatayo sa gilid ng dining table at nakatukod ang dalawang mga kamay sa lamesa. His head was hung low kaya hindi ko tuloy makita ang mukha n'ya. Parang may malalim na iniisip.

I automatically smiled as soon as I saw him. Babatiin ko na sana s'ya pero dumako ang paningin ko sa likuran n'ya kung nasaan ang lababo. There, I saw the still damp pan, neatly stored on the side. Parang pinapatuyo dahil hinugasan pagkatapos gamitin.

Muli akong napatingin sa pagkain at napatitig pa doon. Sinisiguro na usok nga ang nakikita ko. It just means that it was freshly cooked... here.

I looked at Gray again and I noticed that there was something off about him.

"... Gadriel?" nag-aalangan pa ako sa pagtawag sa kanya dahil hindi ako sigurado kung s'ya nga ang nasa harapan ko.

He looked up and immediately saw me. The eyes that met mine didn't make me feel the same feeling that was always there whenever I am looking at Gray. The eyes that met mine looked so different even though it was still gray.

It wasn't Gray's eyes.

He stared at me for a second. Mukhang hindi n'ya inaasahan na nandoon ako kaya nagulat at hindi agad nakabawi. Then I saw his lips break into sa smile.

"Reyziel, good morning," he greeted with all smiles. "I'm amazed you could tell who I am."

Huh... Hindi nga s'ya si Gray...

I tried to return his smile. Sana lang ay hindi nahalata ni Gadriel ang disappointment ko. James hinted that Gray would be with me today kaya hindi ko maiwasan ang ma-disappoint ako dahil umasa ako na si Gray nga ang makakasama ko ngayon.

"Deduction lang," sabi ko at naglakad palapit sa kanya. "Basa 'yung pan sa likuran mo. Ibig sabihin, ginamit ngayon lang. Tapos mainit pa 'yung mga pagkain sa lamesa. I could still see the steam kaya naisip ko na dito niluto 'yung pagkain."

Napansin ko ang pagkakakunot ng noo n'ya.

"Dahil lang do'n nasabi mo nang ako 'to?" I could see the slight amusement in his eyes.

Nagkibit-balikat ako. Umupo na ako at naupo na rin si Gadriel sa tapat ko.

"Hula lang na may kaunting deduction," I said. "I don't think James can cook. And you prepare food for two na para bang alam mo nang may kasama ka ngayon. Isa pa, sa tingin ko rin ikaw lang ang marunong magluto sa kanila."

Kahit na hindi ko pa nakikilala ang iba pang mga alter ni Gray, may pakiramdam akong si Gadriel lang ang marunong magluto sa kanila. Gray told me before that it was Gadriel who's looking after them. Naaalala kong ganoon rin ang sinabi ng isang alter noon. That there was someone who's telling them to eat like he was taking care of them.

Plus, Gadriel told me himself that he's the internal self-helper of the system.

Sumandal si Gadriel sa upuan. Napansin ko ang ngiti sa mga labi n'ya habang nakatitig sa akin.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon