Chapter 48

57.6K 3.3K 1.3K
                                    

As soon as I stepped foot outside the hotel, nasabi ko agad na nasa ibang bansa na nga ako. The atmosphere was so different. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Hindi masyadong mainit. And the air was... I don't know how to explain but... it smells good.

Hindi ko napansin ang kaibahan ng lugar noong makarating kami rito ni Gray. Pagod na pagod ako dahil sa byahe at inaantok pa noon. I guess my brain was also too tired to appreciate the surroundings at that time.

But now... I could see clearly that I am in Japan. Makakapamasyal na rin kami sa wakas.

"Love, teka lang."

Napatigil agad ako sa paglalakad. Hindi dahil sinabi ni Gray kundi dahil sa itinawag n'ya sa akin.

Hindi yata ako masasanay na ganoon ang tawag sa akin ni Gray. It felt... intimate. Parang mas lalo ko yatang naramdaman na boyfriend ko nga s'ya. My heart was always beating fast whenever he called me that.

Now I know why people in a relationship are using endearment for each other. Ganito pala ang feeling. Sa tuwing tinatawag ako nang ganoon ni Gray, pakiramdam ko... sa akin nga talaga s'ya.

Tumingin ako kay Gray. Mukhang kabaligtaran naman ang nararamdaman ko sa kanya. He looked fine as he approached me. Parang wala lang sa kanya na tinawag ako sa ganoon. Parang sanay na sanay. Samantalang ako, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

He was looking at the list I gave him earlier, completely unaware of the disturbance he had just given me. Nang tignan pa nga ako ay may inosenteng pagtatanong sa mga mata n'ya.

"I noticed you just listed the things you wanted to do," he said when he stopped in front of me. "How about those places where you wanted to go?"

I frowned. Napasulyap ako sa papel na hawak n'ya bago muling tumingin sa kanya.

"Meron, ah. Sa Harajuku," I said.

He looked at me. Mukhang nalilito at hindi makapaniwala.

"'Yun lang talaga gusto mong puntahan?"

"Iyon lang alam kong lugar dito bukod sa Tokyo na alam kong capital ng Japan," pag-amin ko. "Bukambibig kasi 'yon ni Larissa. Parang fashion district yata 'yon?"

Hindi ko naman akalain na isang araw ay makakapunta ako rito sa Japan. Wala sa isip ko ang magbakasyon lalo at hindi pa magaling si Mama. I was busy with my duties as her daughter and as an older sister for Larissa. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mangarap na makapagbakasyon sa ibang bansa.

"Ah, yes. Maraming fashion stores doon. Depende sa style na gusto mo," Gray said.

"Iyon nga... Larissa's into... Gothic ba 'yon?"

Napangiti si Gray bago tumango sa akin.

"Isama natin s'ya next time," sabi n'ya na parang nagyayaya lang sa kabilang kanto.

Isa pa 'to sa hindi ko makakasanayan kay Gray. Kailangan kong paulit-ulit na ipaalala sa sarili ko na mayaman s'ya. Bilyonaryo pa nga raw. Kailangan kong intindihin na hindi problema sa kanya ang pera kaya kapag usapang may gastos ay parang wala lang sa kanya.

Hindi naman s'ya ganito noon. His car was... not a luxury car. Sa tingin ko ay komportable na s'yang kumilos ng ganito sa akin dahil alam ko nang mayaman talaga s'ya.

Okay... Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na 'wag nang mabibigla kapag ganito s'ya.

"Iyon lang ang alam kong puntahan, Gray... Ikaw rin naman nagdala sa 'kin dito. Ikaw na bahala kung saan tayo mamamasyal."

He suddenly looked troubled. Napakamot pa s'ya sa batok n'ya na parang hindi alam ang gagawin.

Napatitig lang ako sa kanya. Sinusubukang intindihin kung bakit naging ganoon ang kilos n'ya. Nang may ideyang pumasok sa isip ko, maang akong napatingin sa kanya.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon