Chapter 18

48.8K 2.5K 893
                                    

Panay ang tingin ko sa phone habang nasa daan kami pauwi. Gray was driving us home and I was silently sitting on the passenger's seat. Hindi ko na mabilang kung nakailang tingin na ako sa phone ko simula nang umupo ako rito.

Larissa hasn't texted me back. Nagpadala ako kaninang umaga, paggising ko pa lang, ng text na tawagan n'ya ako kapag nakadalaw na s'ya kay Mama. Naalala kong sinabi n'yang ngayong Sabado s'ya dadalaw para makausap ko rin si Mama sa pagdalaw n'ya. But it's almost seven in the evening, kanina pa tapos ang visiting hours, pero wala pa rin akong natatanggap kahit isang text galing sa kanya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-aalala. Hindi kaya may nangyari kay Mama? O kaya kay Larissa?

I took a deep breath. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero nang tignan ko ang phone at makitang wala pa ring text galing kay Larissa, hindi pa rin nawala ang pag-aalala ko.

"Boyfriend mo?"

Napalingon ako kay Gray nang bigla s'yang magsalita. Naabutan ko ang pagsulyap n'ya sa 'kin bago muling binalik ang tingin sa daan. Maya-maya ay sumulyap din naman ulit sa 'kin.

He was staring at me, parang inaabangan ang sagot ko. Saka ko lang naalala na may itinanong nga pala s'ya sa 'kin pero dahil sa sobrang pag-aalala ko ay hindi kaagad nag-sink-in iyon sa utak ko.

"Ha? Ano 'yon?" tanong ko pa kay Gray.

Gray smiled gently. Medyo napahiya tuloy ako. I'm a psychologist and yet, I am not aware with my surroundings.

Hindi ko lang talaga mapigilan. Nag-aalala ako kina Larissa at Mama. 'Di bale sana kung malapit lang sila at madali kong mapupuntahan kapag ganitong hindi nagre-reply sa 'kin ang kapatid ko!

"You keep on glancing on your phone," Gray said. "Are you waiting for your boyfriend's call?"

Napatingin ako sa phone ko nang wala sa sarili bago tumingin ulit kay Gray. Saka lang ako napailing nang sunod-sunod.

"Hindi, hindi! Wala... I mean wala akong boyfriend."

Napangiwi ako. Hindi naman n'ya tinanong kung may boyfriend ako! Bakit gano'n ang sinagot ko?!

Gray chuckled. He mumbled something na hindi ko nakuha dahil sobrang hina. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Nginitian lang ako ni Gray pagkatapos ay umiling.

"Kaninong tawag hinihintay mo?" he asked instead.

I looked at my phone again. Napabuntong-hininga ako at mas isinandal pa ang katawan sa inuupuan ko.

"Kay Larissa... Sa kapatid ko," I said worriedly. "Kanina ko pa kasi tine-text pero hindi pa rin nagre-reply hanggang ngayon."

"May kapatid ka?" mukhang nagulat pang tanong ni Gray at napasulyap pa sa 'kin.

Tumango ako. "Oo. Dalawa lang kami. Mas matanda ako sa kanya ng eight years."

"Pareho pala tayo!" Gray exclaimed. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang malaki n'yang ngiti. "Dalawa lang din kami ni Kuya. S'ya naman 'yung mas matanda sa 'kin ng eight years."

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Hindi tayo pareho kung ganu'n."

Natawa si Gray. Napangisi s'ya at hindi ko alam kung pa'no ko agad nalaman ang gano'ng tingin n'ya na may kalokohan na naman s'yang sasabihin.

"We're the opposites, then," he said with a playful smirk on his lips. "Opposite attracts talaga. Ibig sabihin bagay na bagay tayo."

"Ibig sabihin, marami tayong pagkakaiba katulad ng ibang tao," sabi ko dahil kinakabahan na naman ako sa mga pinagsasabi n'ya. "It's normal. No need to give it a different meaning."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now