Chapter 42

59.4K 3.9K 2.3K
                                    

Natigilan ako pagpasok sa apartment nang makita na nakatayo lang si Gray. Nakatalikod s'ya sa akin pero alam kong sa sofa s'ya nakatingin. May ideya na agad ako kung bakit lang s'ya nakatayo roon at nakatitig lang sa sofa.

He was probably remembering Lilac. Ako man ay ganoon din. Sa tuwing napapatingin ako sa sofa, naaalala ko palagi si Lilac. Naalala ko ang pag-aagawan nila ni Gray sa pwestong iyon.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala na naman ang alaga namin. Si Lilac ang dahilan kung bakit naging malapit kami ni Gray. He played a big part in our relationship.

Ngayon... wala na s'ya. But Lilac would always be a part of me and Gray.

I took a deep breath. Nilapitan ko si Gray at hinaplos ang braso n'ya, trying to soothe him. I was giving him silent comfort, hoping that he would at least feel slightly better to know that I'm here. Na may kasama s'yang malungkot. Na hindi s'ya nag-iisa ngayon.

Gray looked at me. He flashed me a sad smile before he took a deep breath. Inilapag n'ya ang travelling bag ko sa sofa na 'yon bago umupo.

Nang masiguro na okay na s'ya ay dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. I checked my stocks. Nag-isip ako sa kung anong pwede kong lutuin sa natitira ko pang stocks bago napatingin kay Gray.

I sighed. He really needed to eat. kahapon pa s'ya hindi kumakain.

"Wala na pala akong stocks, Gray. Maggo-grocery muna ako," I said.

Napatayo s'ya at nilingon ako.

"Sama ako," he said.

Napangiti ako. I sometimes like it when he's like this. Clingy and dependable. He was alone and always on his own before. Lumayo pa nga para hindi na masaktan ang kapatid o ang mga kaibigan n'ya. Kaya gustong-gusto ko talaga kapag ganito s'ya. Kapag ganitong gusto n'ya akong kasama.

Isinama ko si Gray sa paggo-grocery. S'ya ang nagtutulak ng cart habang ako naman ang naglalagay ng mga laman doon mula sa grocery list na naka-save na sa notes sa phone ko. Ito lang naman kasi ang palagi kong binibili.

Ibinalik ko sa shelf ang noodles na nilagay ni Gray sa cart. Hindi ko nagustuhan ang naiisip ko na iyon ang kakainin n'ya kapag nagugutom s'ya dahil mabilis iyong lutuin. Kailangan n'yang kumain nang maayos. He really needed it with his condition.

I exhaled harshly when Gray put another noodle but with a different brand this time in the cart. Hinawakan ko ang gilid ng cart para tumigil iyon bago nilingon si Gray at binigyan s'ya ng masamang tingin. Napatigil s'ya sa paglalakad at napakurap nang makita ang tinging binigay ko sa kanya.

"Minsan nagugutom ako kapag madaling-araw," he said defensively.

"'Wag puro noodles, Gray. Hindi healthy."

"Minsan lang naman... Kapag madaling-araw."

"Nandito naman ako," I said. "Ipagluluto na lang kita."

He pressed his lips together. Halatang pinipigilan ang mapangiti. Napayuko pa s'ya para itago sa akin iyon. Pero nang muling tumingin sa akin ay may malawak ng ngiti sa mga labi n'ya.

"Oo nga pala..." He bit his lower lip before he widened his smile. "Hindi mo nga pala ako iiwan."

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Pero hindi ko rin naman napigilan nang makita ang malawak n'yang ngiti. He looked genuinely happy with it.

Ang cute talaga ng lalaking 'to.

"Off ko pala for one month," sabi kong tinalikuran na s'ya para ipagpatuloy na ang pamimili. "Gusto mong magbakasyon tayo?"

Hinawakan ko ulit ang gilid ng cart para i-guide si Gray sa meat section. Pero naramdaman kong hindi n'ya iyon tinutulak kaya napatingin ako sa kanya. He was just looking at me while still standing on the same spot, blinking like he didn't get what I've just said.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now