Chapter 13

49.9K 2.9K 1.4K
                                    

"Ang aga n'yong namili, Ma'am Rey, ah?" puna ni Mang Gener nang makita ang dalawang malalaking plastic bags na dala ko.

Kakatapos ko lang mag-grocery. Kaunti lang din naman ang binili ko. Karamihan ay para sa lulutuin kong ulam sa araw-araw at ang iba ay ang mga nakalimutan kong bilhin noong nakaraan.

I bought meat and vegetables. Bumili rin ako ng manok para kay Lilac. Itinatak ko na sa isip ko na mukhang nasanay na yata ang pusa na sa akin na kumakain.

Ayos lang naman. Nag-e-enjoy akong kasama si Lilac lalo na at mag-isa ako sa apartment at walang kasama dito sa Negros. Hindi ako masyadong nalulungkot kapag kasama ko si Lilac dahil ramdam kong hindi ako nag-iisa sa apartment. Isa pa, ang cute-cute n'yang pusa!

"Naubusan kasi ako ng supply ng ulam, Mang Gener," sabi ko sa guard.

Napakunot ang noo n'ya. "Parang nu'ng nakaraan lang kayo nag-grocery, Ma'am, ah? Hindi naman kayo mukhang malakas kumain. Tsaka mag-isa lang kayo sa apartment n'yo, 'di ba, Ma'am?"

Nakangiwi akong tumango kay Mang Gener. Nakita n'ya nga pala kung gaano karami ang pinamili ko no'n. Hindi lang pala nakita dahil isa s'ya sa tumulong na magbuhat ng mga pinamili ko. Kaya siguro nagtataka ang gwardya na sa dami noon ay naubos agad.

"Si Lilac po kasi. Inubos 'yung binili kong manok," sabi ko na.

"Si Lilac? 'Yung pusa ni Sir James?"

Napatango ako. Kilala rin pala ni Mang Gener 'yung pusa.

"Kilala n'yo ho si Lilac?" I asked.

Nakangiting tumango ang gwardya. "Kilala 'yung pusa na 'yon ng lahat ng nakatira dito, Ma'am. Naging pusa na nga ho ng lahat 'yon, eh."

Ah... Kaya pala hinahayaan lang ni Gray na gumala. Kilala naman pala ng lahat si Lilac.

"Pero si Gray po ang may-ari?" I asked.

Napakunot ang noo ni Mang Gener. "Sinong Gray?"

Ako naman 'yung nalito ngayon. Hindi ba nila alam ang buong pangalan ni Gray?

"Si James ho," I said.

"Ah... Si Sir James." Napatango-tango si Mang Gener. "Oo, s'ya ang may-ari kay Lilac. Lagi lang nasa club, nagtatrabaho kaya pinapagala n'ya na lang kaysa ikulong dahil kilala naman ng lahat si Lilac. Kilala din kasi nila si Sir James. Palagi pang tumutulong kaya tinutulungan rin ng mga tenant dito sa pag-aalaga kay Lilac kapag wala s'ya."

"Ah... Mabait po si Gray?"

Mali ang naging tanong ko. Para kasing lumalabas na nakakagulat ang bagay na 'yon. Mabuti na lang at hindi pinansin ni Mang Gener at nakangiti pang tumango.

"Naku, Ma'am! Sobrang bait ni Sir James!" Itinuro n'ya ang CCTV camera na nasa entrance ng apartment building. "S'ya ang nagpalagay n'yan. Tapos pinalitan n'ya rin lahat ng lock ng mga unit dito. High-tech na. 'Yung may pin code, Ma'am? Tapos hindi na s'ya nagpabayad."

"'Yung apartment ko, Mang Gener...hindi gano'n 'yung lock," sabi ko.

Natawa tuloy ang gwardya. Napakamot pa sa ulo na parang naging problema n'ya ang sinabi ko.

"Wala pa kasing umuupa no'n, Ma'am, nu'ng pinalitan ni Sir James 'yung mga lock. Hayaan n'yo at sasabihin ko sa kanya."

Nahiya naman ako. Ikinumpas ko ang kamay ko at umiling pa.

"Naku, kahit 'wag na ho. Nagtaka lang ho kasi ako."

"Mabait naman 'yun si Sir James, Ma'am," pamimilit pa ni Mang Gener. "'Yun ngang si Lilac, nakita n'ya lang sa daan nu'ng gabing malakas ang ulan. Basang-basa kahit nakasilong. Naawa ho kaya inampon na."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now