Chapter 14

52.4K 2.5K 746
                                    

Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi na nagsalita. Hiyang-hiya pa rin ako sa naging usapan namin kanina. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Mainit rin ang pakiramdam ng mga tenga ko kaya sigurado akong namumula rin iyon.

Bakit ba kasi napunta sa ganoon ang usapan namin? Inakala ko lang na babae si Lilac, tapos kung ano-ano na lumabas sa bibig n'ya!

Malay ko ba kasing lalaki pala si Lilac! Pambabae kasi 'yung pangalan! Ewan ko ba kung anong trip ni Gray sa buhay para ipangalan ang ganoon sa lalaking pusa tapos parang kasalanan ko pa na mapagkamalan kong babae si Lilac.

Sinulyapan ko si Gray. Tapos na s'yang kumain kanina pa pero hindi pa rin s'ya tumatayo. Talaga yatang hihintayin akong matapos sa pagkain. Na-concious tuloy ako at bilisan na lang ang pagkain ko.

Ang bilis n'yang kumain. Nakita ko kanina na mas marami naman s'yang nilagay na kanin sa plato n'ya kaysa sa 'kin. Siguro, gutom lang talaga s'ya. Maghapon ba naman kasing natulog kaya sobrang ganado sa pagkain kanina.

Tama ako sa hinala ko na hinihintay nga lang ako ni Gray na matapos dahil nang tumayo ako para sana ayusin na ang pinagkainan namin ay tumayo rin s'ya. He even helped me tidied up the table. Inilagay n'ya ang mga basong ginamit namin sa sink.

"Ako na," I said.

Nakasunod ako ng tingin sa kanya nang bumalik s'ya mula sa sink. Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko at kinuha pa sa mga kamay ko ang mga pinagpatong na mga plato. Hinayaan ko na lang sa takot na baka mabasag ang mga plato kapag nag-agawan pa kami.

Kinuha ko na lang ang pamunas sa lamesa pero bago ko pa magawa, napatigil ako sa narinig na kalansing ng mga plato sa kusina. Napalingon ako doon at nakita si Gray, nakatalikod s'ya sa 'kin at hindi ko masyadong makita ang ginagawa n'ya pero parang may ideya na ako doon!

Nilapitan ko s'ya. Napasinghap ako nang makitang inaalis n'ya na ang mga dumi sa plato.

"Gray! Ako na d'yan."

Umiling s'ya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ako na. Baka sabihin mo eat-and-run ako 'pag bigla kong umalis."

Napatanga ako sa sinabi n'ya.

"Edi 'wag ka na munang umalis! Umupo ka na lang muna du'n!" pilit ko pang nararamdaman na ang hiya. Ewan! Nakakahiya na nakikita ko s'yang naghuhugas ng mga plato dito sa kusina ko!

"Ako na nga!" sabi n'yang nilingon pa ako. For a second, he looked like a kid arguing with someone. "Nakitulog na nga ko dito, pinakain mo pa ko. Nakakahiya naman kung ikaw pa maghuhugas."

I took a deep breath. Mukhang may alam na ako sa ugali ni Gray. May pagkamakulit s'ya.

"If you're worried I might break your plates, don't worry. I'm a bartender. Baka nga mas magaling pa ko sa 'yong mag-alaga ng mga glass wares," he said.

He grinned at me. Tinignan ko lang s'ya. I saw him wiggling his brows. Parang nagmamalaki sa kaya n'yang gawin. Marahas na lang akong napabuntong-hininga at napailing.

"Sige na, ikaw na maghugas," pagsuko ko.

May lumawak ang ngisi n'ya. He looked boyish with his smirk. I think it was one of his charms. Kahit sinong makakita sa kanya na ganitong nakangisi, mapapangiti na lang talaga.

"Pero hindi ako marunong magluto," sabi n'ya at binalingan ang mga platong hinuhugasan n'ya.

"Paano 'yung mga kinakain mo?" Hindi ko napigilan ang curiosity ko.

"Marami namang pwedeng kainan d'yan," he said. Sinulyapan n'ya ko. "'Di ba may maliit na canteen sa tabi nitong building? Madalas ako do'n."

Napatango-tango ako. So I guess, he's living alone too? Wala ba s'yang girlfriend na pwede s'yang ipagluto? 'Yung nakita kong kasama n'ya nu'ng isang araw nu'ng papunta sila sa restaurant. Sino 'yon?

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon