Chapter 9

52.7K 2.6K 631
                                    

Janina guided me to where my new office is. Pagbukas pa lang ng pinto ay natigilan na ako. Hindi ko na nakilala ang dating clinical psychologist at alam kong magkaiba kami ng preferences pero ramdam ko naman ang pagiging comforting ng kwarto. But it doesn't suit my taste. Ang layo ng itsura ng clinic ko sa clinic ni Mrs. Esteban.

"Pwede mong ibahin ang ayos kung gusto mo," rinig kong sabi ni Janina sa tabi ko. Nilingon ko s'ya, nakatingin na pala s'ya sa akin. Siguro ay nakita n'ya sa ekspresyon ko na hindi ko nga nagustuhan ang pagkakaayos ng kwarto.

Tipid ko s'yang nginitian. "I'll do that."

Pumasok na ako sa loob habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Iniisa-isa ko na sa isip ko kung anong aalisin at babaguhin ko. At kung anong pwede kong ilagay sa kwarto para mas maging "comforting" ang kwarto.

Naisip ko na gayahin na lang din ang ayos ng clinic ko sa Manila but then, I figured I would try something new. This is my chance to do something different. Na sariling kagustuhan ko ang gagawin ko at hindi ako mag-aalala na baka hindi magustuhan ni Ace.

Napangiti tuloy ako. It's just my own and new clinic pero nandoon ang pakiramdam ng pagiging malaya.

I walked towards the desk. I sat on the swivel chair and familiarized myself. Tanging pen holder lang ang nakalagay sa ibabaw ng desk at wala nang iba.

"Ako na magpa-file ng request para sa laptop at sa desk nameplate mo, Miss Rey," sabi ni Janina na nakatayo lang sa may pintuan. Mukhang nag-aabang sa anumang inuutos ko. "Usually, three days bago mo sila makukuha."

I nodded at her. "How about sa mga ite-turn over sa 'king patients?"

Pumasok na si Janina at tumigil sa harapan ng desk.

"Sa drawer sa left mo, Miss, nandoon ang information ng mga patients. Personal info lang nila. Then, ise-send ko sa email mo ang notes ni Mrs. Esteban para may idea ka."

"Ilang patients?" I asked.

"Dalawa lang, Miss Rey," she answered. "Isang trauma patient, car accident. Then 'yung isa, diagnosed with MDD."

Napatango ako. Kinuha ko ang patient charts na nasa loob ng drawer at binasa iyon. Parehong bago lang ang dalawang patient na iniwanan ni Mrs. Esteban. Ang trauma patient ay nakakaisang session pa lang habang ang isa ay nakakadalawa na.

Napatitig ako sa chart ng pasyente na na-diagnose ng MDD. She was only a teen. Nakalagay din na may psychiatrist nang tumitingin sa bata pero ang gusto ng magulang ay makausap rin ng psychologist para sa theraphy session.

I sighed and closed the chart. Mabuti na rin at nakakailang session pa lang ang dalawa kay Mrs. Esteban. It might be too overwhelming for them na mag-iiba ang psychologist nila lalo pa kung matagal na silang pasyente ni Mrs. Esteban. Ang pinakamahirap pa naman ay ang unang step— to let them talk and open up.

"Thank you, Janina. Paki-send na lang sa email ko ang notes mamaya," sabi ko habang ibinabalik ang chart sa drawer.

Janina nodded. "Ipapabago mo ba ang ayos ng kwarto?"

"Yes... Mahihirapan ako kung ako mismo ang hindi komportable sa kwarto."

"Sige, Miss Rey... Kung may bibilhin ka para dito sa clinic, ilista mo lang para maipa-reimburse sa finance."

I smiled and nodded at her. "Okay, thank you."

"Nasa labas lang po ako, Miss, kung may kailangan ka."

Hinintay n'ya muna akong tumango bago lumabas ng clinic. Isinandal ko ang likod sa upuan nang mapag-isa ko. I tried to relax myself, pero nandoon ang pakiramdam ng pagiging estranghero ng kwarto kaya nahirapan ako. Mas lalo ko tuloy naisip na ibahin talaga ang ayos ng kwarto.

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ