Chapter 7

52.5K 2.4K 854
                                    

Ipinasok ko ang susi sa keyhole at binuksan ang pintuan. Isang tingin ko pa lang sa loob ng unit na 'yon ay halata ko nang matagal nang walang umuokupa doon. Sa tingin ko nga ay hindi pa natitirhan nang matagal. Parang ginagamit lang panandalian para may matuluyan.

Isang mahabang sofa ang nandoon sa sala at isang maliit na flatscreen TV. Ilang hakbang lang mula sala ay kusina na. Nandoon na rin ang maliit na lamesa na may dalawang upuan.

Pumasok pa ako sa loob at nakita ang dalawang kwarto. Mayroon ding banyo at nakahinga ako nang maluwag nang makitang may supply na ng tubig pagbukas ko ng gripo. Sinubukan ko na rin kung may kuryente ba, meron naman. Mukhang alam ng may-ari na ngayon ako lilipat kaya inayos na lahat.

Ang kwarto sa dulo ang ginamit ko. May lumang electric fan na ang nandoon at gumagana naman. Pero naisip ko na rin na bumili ng stand fan, iyong malakas ang binubugang hangin, para sa sala.

Naupo ako sa kama. Mabuti na lang at walang alikabok na lumabas nang lumubog ang foam. Tinatamad kasi akong maglinis. Napagod yata ang katawan ko sa unang beses na pagsakay sa eroplano. Tatlong oras pa.

Nahiga ako at inilabas ang phone ko. Nagpalit ako ng bagong numero. Bilin na rin ni Doc Evelyn dahil nakakasiguro raw s'ya na tatawagan ako ni Ace. Nanghihinayang nga lang ako sa mga pasyente ko na hindi na ako makakausap ngayong nandito na ako sa Negros. Ang sabi pa ni Doc Evelyn, s'ya na rin ang bahala sa mga pasyente ko kung kaninong psychologist sila ia-assign.

I sighed. Pakiramdam ko tuloy, ang iresponsable ko. Na ang sama kong tao. Some of my patients took so much time to build their trust so they could easily open up to me. I feel sad that they have to start again sa bago nilang psychologist.

I took a deep breath before I dialed Larissa's number na kabisado ko naman. Nakadalawang ring lang iyon bago n'ya sinagot. Parang talagang nag-aabang sa tawag na 'yon.

"Larissa?" panimula ko. Nabigla pa sa mabilis n'yang pagsagot. "Ang Ate Reyziel mo 'to."

"Ate!" she exclaimed. Napangiti agad ako. "Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo!"

"Bakit? Miss mo na ko?" biro ko pa kahit ang totoo, ako talaga ang nakakaramdam no'n. I suddenly miss my sister. Huminga ako nang malalim para mawala agad ang bigat sa dibdib ko.

Hindi pa nga ako nakakaisang oras dito sa apartment pero ganito na agad ang nararamdaman ko.

"Hindi pa naman. Siguro 'pag isang buwan ka nang wala, baka ma-miss kita," biro n'ya na alam kong pinapagaan lang ang sitwasyon.

Natawa ako. "Bakit mo inaabangan ang tawag ko? May nangyari ba?"

"Wala naman, ate... Syempre, gusto ko lang maka-sure na nakarating ka d'yan ng safe."

"Ang sweet mo yata ngayon, ah? Sana ganyan ka din nu'ng nandyan pa ko," biro ko pa na ikinatawa ni Larissa.

"Ay, oo nga pala, ate. May ichi-chismis din kasi ako sa 'yo kaya inaabangan ko rin ang tawag mo."

Napakunot ang noo ko. Ano na namang kalokohan ang ginawa ng kapatid ko?

"Ano 'yan? Naku, Larissa... Wala pa kong isang araw dito, ah?"

"Hindi tungkol sa 'kin, ate! Kay Sir Ace!"

Natigilan ako doon. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol kay Ace. Sigurado akong sa mga oras na 'to, alam na n'ya ang pag-alis ko. He's always checking on me kahit nu'ng nasa Manila pa ako. Kapag hindi n'ya ako nahahanap ay tinatawagan ako. Pero dahil iba na ang number na gamit ko, hindi na n'ya ako matatawagan ngayon.

"Bakit?" I asked. Medyo kinakabahan sa sasabihin n'ya.

"Kaninang umaga, hinahanap ka sa 'kin, ate. Sabay yata kayong papasok. Eh, hindi ko naman pwedeng sabihin kung nasa'n ka talaga kaya sinabi ko na lang na paggising ko, wala ka na," she said. "Tinawagan ka sa cellphone, ate , tapos nakita ko na nainis s'ya nu'ng hindi ka n'ya ma-contact."

Chess Pieces Aftermath: Gray SanfordWhere stories live. Discover now