Chapter 1

145K 3.1K 409
                                    


Chapter 1
Baby Sitting.

"Congrats, El!" masayang bati sakin ni Isaac at ginulo ang aking buhok. "Ang pangit mo pa rin." inis nya sa akin.

"Congrats din sayo pero mas pangit ka." I stuck my tongue at him saka niyakap ng mahigpit ang diploma ko.

Grumaduate na kami ng highschool at masasabi kong maayos ang pag-aaral naming dalawa ni Isaac dahil grumaduate kami with honors. Hindi man Valedictorian or Salutatorian, at least honorable mention. Achievement pa rin saming dalawa yon ah!

"Babe!"

Agad namang nagbago ang expression ng mukha ni Isaac. "Shit." he cursed at saka nakangiting humarap sa tumawag sa kanya.

"Congratulations, babe." at hinalikan sya sa pisngi nitong babae.

I rolled my eyes at her.

My God! Hindi ba sya nahihiya sa ginagawa nyang PDA? Wala ba dito ngayon ang magulang nya? Hindi ba nila nakikita ang ginagawa ng anak nila?

"Is that Isaac's girlfriend?" bulong sa akin ni Tito, daddy ni Isaac ng makalapit sya sa amin at medyo hinatak ni Isaac papalayo si Koleen.

"Uh, hindi ko po sure, Tito." nag-aalangang tanong ko.

"That boy.." umiling-iling nalang si Tito't sa palagay ko'y may matinding sermon session mamaya si Isaac mula kay Tito.

Ilalagay ko na sana ang earphones sa tenga ko ng pigilan ako ni Isaac kaya ako napatingin sa kanyang nakanguso sa akin.

Papunta kasi kami ngayon sa Manila para magbakasyon.

Ilang beses na akong nakakapunta sa Manila dahil twing uuwi si daddy ay nags-stay kami dito for a night or two bago umuwi sa Davao samantalang si Isaac ay ngayon palang ma-eexplore ang Manila for our summer vacation bago kami tumuntong ng tuluyan sa kolehiyo.

"Please, El.. Just this once." pagmamakaawa nya sa akin.

"Isaac, God knows na hindi mo lang ako ngayon kinulit sa ganyan." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Okay.. How about last na 'to?" sabi nya nalang. "I promise you na last na 'to. Hindi na ako manghihingi ulit sayo ng number ng mga babae."

Napabuntong hininga naman ako habang tinitignan ko ang mukha nyang nagmamakaawa sa akin na alam ko sa sarili kong hinding-hindi ko matitiis.

I mean, kailan ko ba sya natiis? Wala naman ata. Spoiled na spoiled ko ata 'yang si Isaac.

"Oh.." sabi ko nalang at hinagis sa kanya ang phone ko na agad nya namang nasalo. "Hanapin mo nalang sa contacts ko." pabalang kong sabi't humalukipkip.

Hindi ko alam kung bakit laging naghahanap si Isaac ng babae. Twing tinatanong ko sya kung bakit sya paiba-iba ng ka-mu ay lagi nya lang sagot sa akin ay 'mommy'.

Ano 'yon? Bubuntisin nya kaagad at gagawin nyang nanay ang matitipuhan nyang babae?

Humalukipkip ako't tumingin nalang sa labas na hindi ko mapigilang mawala ng kahit kaunti ang pagkunot ng noo ko dahil sa itsura ng langit.

I always love riding at a plane. Pakiramdam ko'y lumilipad ako twing sumasakay ako ng eroplano. Ang greatest fear ko nga lang twing nakasakay ay baka mahulog nalang ito bigla at mamatay ako ng wala sa oras.

Narinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Isaac at naramdaman ko nalang ang paglapag ng cellphone ko sa aking hita na dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.

"Oh? Nakuha mo na agad?" pagtataka ko at bahagyang inangat ang cellphone ko.

Umiling nalang sya't sumandal ng maayos sa upuan. "Ayaw mo naman kaya hindi na kita pipilitin." aniya. "Ayokong magalit ka sa akin. Sayo na 'yang number nya. Wala na akong pakealam dyan."

Among The StarsWhere stories live. Discover now