Chapter 14

84.3K 2.4K 99
                                    


Chapter 14
Died

"Mommy.." I said when my mom answered my call.

"Lorraine? Are you crying?" nag-aalalang tanong sa akin ni mommy. "What happened?"

Umiling ako kahit na hindi nila nakikita't pinigilan ang aking paghikbi. "I just want to hear your voice po." sabi ko nalang. "Is daddy there?"

"Your daddy's at work.." sagot ni mommy. "Oh, Lorraine, if only we can go home.."

"Mommy, miss na miss ko na po kayo.." I uttered.

I miss my mom so much but it doesn't mean na hindi ko namimiss si daddy. Mas sanay lang ako sa presensya ni mommy dahil mas matagal ko syang nakasama kay daddy dahil simula palang ng bata ako'y nagt-trabaho na sa ibang bansa si daddy while si mommy ang naiwan sa akin. Ngayong nandoon na rin si mommy kasama ni daddy ay hindi ko maiwasan ang hanapin sya.

Before, whenever I have problems, mom will always comfort me. And right now, I just need my mom by my side.

"Matatapos na ang semester nyo, right?" tanong sa akin ni mommy. "You can go here if you want for vacation. Aasikasuhin na natin agad para right after your last final exam, you can go here right away."

"Yes, please, mommy.." sabi ko.

"Okay. I'll tell your daddy about this. For the meantime, just always remember that mommy loves you okay?" ani mommy.

"Opo.." sabi ko nalang. "And I love you too, mom. As well as dad."

Pagkatapos nun ay nagpaalam na si mommy'ng ibababa ang tawag dahil meron syang ginagawa.

Tinabi ko ang aking cellphone at kinuha ang unan sa tabi ko saka ito mahigpit na niyakap. And once again, I cried myself to sleep.

"Bakit hindi mo sinama dito si Isaac?" tanong sa akin ni mommy habang inaayos ang gamit ko sa temporary room na gagamitin ko habang nandito ako sa Canada for a vacation.

Matapos naming magkausap ni Isaac ay naging mailap kami sa isa't-isa. I'm okay with that set up. Mas maayos nga 'yon dahil mas nakapag-aral ako ng mabuti para sa finals.

"He's probably working on his internship, mom." sabi ko nalang kay mommy bilang sagot.

"Saan ba sya mag-iintern? Sa resort nila?" she asked.

Nagkibit-balikat ako. "Maybe.." sagot ko. "I don't know. Hindi kami masyadong nagkausap nang dahil sa finals. We need to focus since graduating na kami't yun na ang huli naming hantungan."

"Sayang naman.." bigong sabi ni mommy. "Twing nakakausap ko si Isaac, lagi nyang nababanggit sa akin na gusto nyang pumunta kayong dalawa dito sa Canada."

"Nagkakausap kayo?" kumunot ang noo ko sa aking nalaman.

"Yes. Alam mo naman ang bestfriend mong 'yon. Daig pa ang isang bodyguard sa pagmamanman sayo't pagrereport sa amin ng daddy mo." natatawang sabi ni mommy.

"Wala po ba syang... nasabi sa inyo?" nag-aalangan kong tanong kay mommy.

Based on mommy's question about Isaac.. sa palagay ko'y hindi nabalita sa kanya ni Isaac ang alitan na namamagitan sa aming dalawa dahil tingin ni mommy ay okay pa kami.

"Nasabi like what?" nag-iisip pang sabi ni mommy nang manlaki ang kanyang mga mata't pumalakpak habang nakangiti ng nakakaloko.

"What is it, mom?" nakakunot noong tanong ko kay mommy. "Anong sinabi nya sa'yo?"

"There's this random guy na sinusumbong nya sa akin na pumoporma daw sa'yo.." sabi ni mommy at nanlaki ang mga mata ko.

It's Martin! I'm sure as hell that it's Martin!

Among The StarsWhere stories live. Discover now