Chapter 39

82.4K 2K 98
                                    


Chapter 39
Hold On

Pagkarating namin sa office ay nakita kong nasa labas nito ang ibang mga kagamitan at ang iba'y wala pa sa ayos sa loob.

"Ma'am, ako nalang po ang pinapunta ni Sir Cole ngayon dahil kunti nalang naman po ang gagawin ngayon." sabi niya. "Natapos na po namin kahapon ang faculty office pati ang ibang offices pa dito sa school. Yung sa inyo nalang po ang hindi niya pinagalaw sa amin kahapon."

"Ganon po ba?" sabi ko naman at nilingon ang kabuuan ng office bago muli itong hinarap. "Simulan na po natin para maaga po kayong makauwi."

Tumango naman ito at ibinaba na ni Gelo ang dala naming pagkain upang makatulong sa pagbubuhat.

Di rin naman kalaunan ay dumating na si Isaac ma mukhang nagpalit ng printed na tee shirt na mas kumportable kaysa sa suot niya kaninang polo.

Nang mamataan niya ako ay mabilis siyang lumapit papunta sa gawi ko.

"Tulungan na kita..."

He was about to get the picture that I was holding nang iniwas ko sa kaniya ito na dahilan kung bakit napatigil siya.

"K-Kaya ko na..." sabi ko nalang at umiwas na sa kaniya upang isabit ang picture frame sa may pakong minartilyo kanina ng manggagawa.

Mukha namang naintindihan ni Isaac ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya kaya naman hindi na niya ako muli pang kinausap. Tumutulong nalang siya sa pagbubuhat ng mga bagay na inuutos ko sa manggagawang kasama namin ngayon.

"It's lunch time."

Napalingon naman ako kay Angelo na nasa tabi ko na ngayon at pawis na pawis.

"Do you want to eat?" tanong niya sa akin. "I'll prepare the meal."

Tumango naman ako't pinunasan ko ang pawis niya sa mukha at sa leeg na dahilan kung bakit siya napangiti sa akin.

"I'll just wash hands." sabi ko pagkatapos siyang punasan ng pawis at tumango naman siya.

Pumunta na ako sa comfort room at mabuti nalang ay ayos na ang tubig dito sa school. Pati ang daloy ng kuryente ay ayos na rin. Talagang nagawa na nila lahat ang lahat ng dapat na gawin bago pa ako makabalik ng Pilipinas.

I let out a deep sigh. Hindi ko dapat iniiwasan si Isaac. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. I shouldn't deprive him my attention.

Pagkabalik ko sa office ay mas maaliwalas na itong tignan kaysa kanina noong pagdating namin. Nakaayos na rin ang pagkain sa may desk ko dito sa office.

Nag-angat naman sa akin ng tingin si Gelo at saka ngumiti. "Let's eat." pag-aya niya sa akin.

I smiled and nodded at him bago hinanap ng tingin ko si Isaac na wala paring tigil sa pag-aayos. Tagaktak na rin ang pawis sa kaniyang buong katawan.

Dapat pala'y nauna na naming ikinabit ang aircon para hindi mainit dito sa loob ng office. Ni wala man lang electricfan. Tanging ang hangin lang mula sa labas ang nagsisilbing hangin namin dito sa loob.

"Isaac." I called his name for his attention.

Agad naman siyang napalingon sa akin. His expression is like he's not sure if I really called him or not.

"Tinawag mo ba ako?" he asked me.

Tumango naman ako at bahagyang ngumiti. "It's lunch already." sabi ko. "Kain ka na rin. Sabayan mo na kami ni Gelo."

Nilingon niya naman si Gelo kaya naman tinignan ko rin si Gelo na ngayon ay nakatingin lang ng diretso kay Isaac bago siya ngumiti dito.

"Eat with us." he said at tinignan pa ang mangagawa. "Ka..yo. Din. Po." putol-putol na sabi ni Gelo sa mangagawa at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Among The StarsWhere stories live. Discover now