Chapter 3

109K 2.8K 201
                                    


Chapter 3
Drifting

"Oh. Kumain ka ng madami." ani Isaac habang nakakamay na sinusubuan ako ng pagkain.

Punong-puno na ang bibig ko't hindi ko alam kung pano ngunguyain ang mga pinakain nya sa akin. Pakiramdam ko'y masusuka na ako sa sobrang dami ko ng nakakain.

"Nguya lang ng nguya." utos nya sa akin. "Up down up down up down." aniya't hinawakan nya pa ang baba ko't iginaya sa pagbubukas-tikom.

Mabilis ko naman syang siniko't dumaing sya saka ko mabilis na nilunok ang pagkain ko't uminom agad ng tubig upang maalis ang parang nagbarang pagkain sa lalamunan ko bago ako humarap kay Isaac.

"Muntik na akong masuka! Nakakainis ka! Ang dami mong sinusubo sa akin!" singhal ko sa kanya't muling uminom ng tubig saka marahang kinabog ang aking dibdib.

"Ang payat-payat mo kasi eh. Para kang hindi pinapakain. Dapat sayo laging pinapakain ng ganito karami para tumaba ka." pangaral nya sa akin.

"I'm on a proper diet, Isaac and for your information, I'm physically fit." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Physically fit ba 'yan eh parang malnourished ka na nga." pang-inis nya sa akin.

Humalukipkip naman ako saka sya hinarap. "Alam mo, Isaac, kung iinisin mo lang ako ay maling araw ang napili mo. Kung pwede lang ay wag mo akong inisin for a week dahil meron ako. Wag mo ng subukan." pagbabanta ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi eh. May proper diet ka pang nalalaman. Nagpapaganda ka noh? Sino ba ang tipo mo sa klase nyo?" tumaas ang kanyang kilay.

"Hindi ko na kailangang magpaganda dahil maganda na talaga ako and please lang wala kang pake kung sino man ang type ko na kaklase ko." masungit kong sabi sa kanya.

"Hindi na ako makikipag-away sa unang sinabi mo dahil inaamin kong maganda ka naman pero yung sinabi mong wala akong pake kung sino man type mo ay hindi totoo dahil may pake ako't gustong-gusto kong malaman." aniya. "I'm your bestfriend, El. Dapat alam ko ang mga bagay na 'yan."

l just rolled my eyes at him saka kumuha ng grapes sa fridge para mahimasmasan ako sa sobrang bigat ng tiyan ko nang dahil sa mga pinakain sa akin ng kumag na 'to.

Kala mo may piyesta't napakaraming dalang pagkain at meron pang dahon ng saging upang dun ilagay ang mga pagkain saka nagkamay.

Okay lang sana nung una pero nang lumaon ay panay na ng subo nya sa akin ng pagkain na lumulobo na ang pisngi ko sa sobrang puno at wala pa ata syang balak huminto sa pagsusubo sa akin.

"Your my bestfriend at kung wala kang alam eh di ibig sabihin wala. As simple as that, Isaac. No big deal." I shrugged.

Nanliit naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Why do I feel like you are hiding something from me?" mapanghinala nyang sabi.

"Isaac, wala akong tinatago sayo at sa araw-araw ba naman nating magkasama tingin mo ba may maitatago pa ako sayo?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Okay.. I'll let it slide.. for now." sabi nya sa akin. "I'll be watching you." tumaas ang kilay nya't napailing nalang ako sa kanya habang pinapanood syang lumabas ng aming bahay.

Napabuntong hininga naman ako ng tuluyan syang makalabas at sumandal sa kitchen counter.

Yes, Isaac. I'm hiding something from you but you shouldn't know it. Hindi mo pwedeng malaman na hindi ko na kayang pigilan pa ang mahulog ng tuluyan sayo.

I'm falling and it's so scary cause I'm falling so deep.

"Mukhang wala atang nakabuntot na aso sayo ah." nakangising sabi ni Mel sa akin.

Among The StarsWhere stories live. Discover now