Chapter 24

74K 1.9K 114
                                    


Chapter 24
Special Girl

"Ano, Lorraine? Magpapakamatay ka na ba ha?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi't yumuko habang pinapakinggan ang mga pangaral sa akin ni Mel at Kate.

Alam na nila ang nangyari tungkol sa pag-iwang ginawa sa akin ni Isaac. Dalawang araw palang magmula nang mangyari 'yon at hindi ko alam kung paano nila nasasabi sa akin ang mga bagay na dapat ay kalimutan ko na siya agad.

Napakahirap ng pinapagawa nila na 'yon. I just can't forget Isaac sa loob ng dalawang araw. It will take a year or more. It's even possible na hindi ko pa siya makalimutan.

"Lorraine, it's not the end of the world." Mel stated. "You need to keep your shit together and face the reality. Exam week mo pa starting tomorrow."

"Binilin ka sa amin ng mommy mo, Lorraine." sabi pa ni Kate. "You have to listen to us. We have to take care of you pero hindi namin yun magagawa kung ayaw mo ring tulungang alagaan ang sarili mo."

"I'm not hungry, Kate.." simpleng sabi ko lang dahil ang pinagmulan naman ng pagsesermon nila ay ang hindi ko pagkain sa pagkaing nakahain sa harapan ko.

"Manang told us na hindi ka rin kumain kahapon tapos sasabihin mong hindi ka gutom? Wag mo kaming lokohin, Lorraine. You need to eat!" sabi ni Mel.

"I'll eat later. I'll eat when I'm hungry." sabi ko't tumayo mula sa aking kinauupuan. "Akyat muna ako sa kwarto ko."

Pumihit na ako papalabas ng kusina nang hablutin ako ni Kate at napaawang ang aking bibig nang bigla niya ang sinampal ng malakas.

"Kate!" rinig kong sigaw ni Mel.

Napahawak ako sa aking pisngi't ramdam ko pa ang hapdi ng paglagapak ng palad ni Kate dito.

"Masakit ba, Lorraine ah?" she asked me. "Masakit ba? Answer me! Masakit ba?!"

"Kate, ano ba?!" pagpigil sa kaniya ni Mel.

Unti-unti naman akong napalingon kay Kate at kita kong namumula na ang kaniyang mukha ng dahil sa galit. Her veins are showing habang sinisigawan ako.

"Lorraine, araw-araw! Araw-araw mong mararamdaman ang sakit na 'yan kapag hindi mo pinakawalan ang sarili mo sa sakit na nararamdaman mo. Araw-araw mong mararamdaman ang hapdi at kirot kapag pinagpatuloy mo 'yang ginagawa mo." huminga siya ng malalim at saka hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. "Do you wanna live that way, Lorraine? Do you wanna live like you're in hell because of the pain you're feeling?"

Binitawan niya ako't bahagya niyang ginulo ang kaniyang buhok na para bang hindi niya na alam ang gagawin niya.

"There are no permanent things or people in the world.. Laging may nawawala, umaalis at nang-iiwan. Hindi sila habang buhay na laging nandiyan para sa'yo."

Muli siyang humarap sa akin at kitang-kita ko ang pagragasa ng luha sa kaniyang mga mata.

"Lorraine, know your worth. Hindi ikaw yung tipo ng babae na pangfriendzone lang." aniya. "Don't be miserable. You're more than that. Ang daming nangangarap diyan na mabalingan ng atensyon mo. Huwag mong gawing si Isaac ang sentro ng buhay mo. I'm sorry but he's not worth it enough."

Umawang ang kaniyang bibig na para bang may balak siyang sabihin ngunit hindi niya itinuloy saka huminga ng malalim at yumuko.

"Ikaw nga yung mahal ng taong mahal ko oh.."

Parang kinurot bigla ang puso ko nang bitawan ni Kate ang mga salitang 'yon.

I'm not the only one who's hurting. Marami ring mga nasasaktan katulad ko. Ang mga iba nga'y mas malala pa ang sakit na nararamdaman kaysa sa akin.

Among The StarsWhere stories live. Discover now