Chapter 19

94.7K 2.1K 169
                                    


Chapter 19
I Like Him

"I'm so happy for you and Cole, anak." nakangiting sabi ni mommy habang nags-skype kami. "Kailan ang kasal?"

"Mommy! Nililigawan palang po ako ni Isaac tapos nasa kasal na part na po kayo. Masyado naman po ata kayong advance." sabi ko.

Natawa naman si mommy. "I'm just really happy para sa inyong dalawa. Akalain mo naman at kayo pa rin pala ang magkakatuluyan."

"Kaya nga po, mommy eh. Hindi rin po ako makapaniwala. Akala ko.. hanggang magbestfriends lang kaming dalawa." nakangiting sabi ko.

"Well.. it only means na kayo talaga ang para sa isa't-isa." aniya. "Anyway, magluluto pa ako ng hapunan namin ng daddy mo. I'll tell him the good news and call you afterwards, okay?"

"Sure, mom! Bye." paalam ko't ni-end na namin ang video call.

Bumalik ako sa pag-aayos sa sarili ko matapos ang video call namin ni mommy dahil pupunta pa ako sa bahay nila Isaac.

I promised him that we will still remain friends at kapag gusto o kailangan nya ng kasama ay pwede nya akong tawagan. Pupuntahan at sasamahan ko sya basta wala akong importanteng gagawin o wala akong nakaayos na lakad.

Ngayon ay pinapunta ako ng magulang nya dahil nalamang nagdala daw ng babae si Martin sa bahay nila. Ni-explain na ni Martin sa parents nya na magkaibigan lang kami pero nagpumilit pa rin ang parents nya at nahihiya naman akong tumanggi kaya pupunta ako ngayon.

To: Isaac
Good morning! Aalis ako.

Ni-send ko kay Isaac ang mensahe ko't kinuha na ang bag ko pati na rin ang susi ng aking sasakyan saka nagpasyang bumaba.

"Aalis ka?" tanong ni Manang sa akin nang bumisita ako sa kusina para uminom ng tubig bago tuluyang umalis.

"Opo." sagot ko.

"Hindi ka man lang ba kakain muna?" tanong nya.

Umiling naman ako. "Kakain na po ako doon kila Martin."

"Doon ka ba pupunta ngayon? Nagpaalam ka ba sa mommy mo?" sunod-sunod na tanong ni Manang.

"Opo, Manang. Kausap ko po si mommy kanina. Saka, kakain lang naman po doon at uuwi na rin po ako agad." paliwanag ko.

"Oh sige't humayo ka na. Mag-iingat ka ah?" paalala sa akin ni Manang.

Ngumiti naman ako't tumango kay manang saka lumabas ng kusina nang mapatigil ako dahil sa lalaking kakapasok lang ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Isaac na nakapantulog pa't halatang bagong gising na dire-diretsong pumunta sa akin.

"Saan ka pupunta?" bungad nyang tanong sa akin.

Bumuntong hininga naman ako. "Yun lang ba ang itatanong mo?" tanong ko. "Kila Martin. He's parents are inviting me for a lunch with them." sagot ko.

"Kila Martin? He's parents are inviting you for a lunch with them?" ulit nya sa aking sagot habang nakataas ang kanyang kilay.

Kumunot naman ang aking noo. "Parang inulit mo lang yung sinabi ko."

"I'm just making sure, El." giit nya.

"Then yes! I'm going to their house right now for a lunch tapos uuwi na rin ako agad." sabi ko. "Hindi ko lang matanggihan dahil magulang nya ang nag-iimbita sa akin."

"I'm coming with you." pirming sabi nya.

"No you're not." sabi ko't nilagpasan ko sya palabas ng aming bahay.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon