Chapter 4

93.2K 2.9K 219
                                    


Chapter 4
Some Time

"Oh my God, Lorraine! Are they official?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Mel habang tinitignan nila ang mga pictures na naka-tag sa facebook ni Isaac tungkol sa birthday surprise na inihanda sa kanya ng babae nya.

"Kinabog nya ang pa-pajama party mo samin sa surprise nya para kay Isaac." komento nya.

"That's right and I can tell that they're official already dahil nakalagay sa banner ay 'Yes, Isaac! I love you too! Happy birthday!'." feel na feel na pagkakasabi ni Kate habang titig na titig sa kanyang laptop.

"So, ibig sabihin ay nililigawan na pala sya ni Isaac.." Mel concluded.

"Nang hindi mo alam.." dagdag ni Kate. "At sila na ngayon."

Tumango-tango naman si Mel. "Nalaman mo lang nangdahil sa facebook." ani Mel. "Magbestfriend pa ba kayo ng lagay na 'yan?"

Napapikit naman ako ng mariin at malakas na binaba ang remote sa center table na halos mabasag na ito sa sobrang lakas ng pagkakababa ko nito.

"Tumigil ka na nga." saway nilang dalawa sa isa't-isa.

Naiiyak ako. I feel so hurt. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Tagos na tagos at hindi ko na alam kung paano ko pa iindahin ang sakit na nararamdaman ko.

Ayos lang sana kung hindi nya maalala ang birthday ko. Pero hindi ko matanggap na parehas na nga kami ng birthday at simula palang ng ipinanganak kami'y sabay na kaming nagce-celebrate, ngayon nya pa nakalimutan?

"Baka nabigla lang sya sa pagdating ng girl nya, El.." marahang panglakas loob sa akin ni Mel.

"Eh di mabigla din sya sa magiging pag-alis ko." sabi ko nalang at mabilis na umakyat papunta sa aking kwarto upang makapagbihis para sa pasok naming tatlo maya-maya.

Mabilis lang akong naligo dahil gagamitin din nila Mel at Kate ang banyo ko.

"Ako muna!" nag-aaway pa ang dalawa kung sino sa kanila ang mauunang maligo.

Napailing nalang ako nang biglang tumunog ang aking iPad at nakitang tumatawag sa Skype si mommy kaya naman lumabas ako ng kwarto upang hindi maka-istorbo ang pagtatalo nila Mel at Kate.

"Hi, mommy! Daddy!" masaya kong bati sa kanilang dalawa't kumakaway pa.

"Belated Happy Birthday, Sweetheart!" sabay nilanh sabi. "We love you so much." at gumawa ng malaking heart ang magulang ko na nagpatawa sa akin.

"Lagi nalang po kayong late ng one day kung bumati." nagtatampo kong sabi.

"Para one of a kind kami ng mommy mo. Hindi katulad ng iba na sabay-sabay. Para special." palusot ni daddy't kumindat pa sa akin.

"Ang gara nyo naman po." ngumuso ako't tinawanan lang ako ng nanay at tatay mo.

"Basta call us if you receive anything okay?" pahabol ni mommy.

"I will, mom, dad. Thank you po sa pagbati." nakangiti kong sabi.

"You're welcome, sweetheart and magk-kwento ka sakin tungkol sa birthday celebration nyo ni Isaac okay?" nakangising sabi ni mommy.

Nawala naman kaagad ang aking ngiti't napansin naman 'yon kaagad ni mommy.

"Is anything wrong, anak?" tanong ni mommy at pansin kong hindi na nya kasama si daddy.

Among The StarsWhere stories live. Discover now