Chapter 30

81.6K 2K 476
                                    


Chapter 30
Insecure

"Can I rest first, mom?" pagod at inaantok kong tanong kay mommy. "I'm so tired and sleepy."

Kakagaling lang namin ni mommy sa Manila nang dahil sa interview ko sa Canadian Embassy. Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong merong embassy dito sa Davao but mom insisted na sa Manila na upang mas sigurado. Akala niya ba'y napakadali lang pumunta ng Manila galing Davao. Hindi rin biro ang pamasahe ah.

But I still love her.

"I told you that we should just stay in Manila. Sa mga Tita mo doon. I'm sure they won't mind habang inaayos natin ang papeles mo." suggestion ni mommy.

I think she's going to sleep in my condo dahil madaling araw na kami nakarating dito sa Davao.

"Gusto ko pong sulitin ang natitira kong araw dito sa Davao, 'mmy." sabi ko. "Just please let me have this.."

She sighed. "Okay." ngumiti siya't hinalikan ang aking ulo. "Take a rest. Good night, my darling."

Hindi ko na rin napigilang ngumiti saka tumungo sa aking kwarto't wala ng palit-palit ng damit. I dozed myself into a deep sleep.

"Kamila Posadas."

Inabot ko ang identification card ni Kamila at ang birth certificate niya sa bank clerk.

"Her parents were already dead but she has a guardian which is her grandmother." sabi ko. "Here's the autorization letter from her grandmother and a valid identification card. Plus, the death certificate of her parents."

Pinakita't ibinigay ko na ang lahat ng mga posibleng hingin nilang mga papeles sa pag-open ng bank account ni Kamila. Hindi nakasama si Manang sa amin dahil masakit daw ang rayuman niya kaya nagpasulat nalang ako ng authorization letter na pinapayagan niya si Kamila na mag-open ng sarili nitong account dahil minor pa siya and some of the bank accounts don't allow minors to open without a consent.

"Paki-fill-up nalang po ito, Ma'am." sabi niya't binigay ang isang form.

Nilingon ko naman si Kamila na parang hindi pa rin mapakali sa kaniyang upuan nang dahil sa mga nangyayari.

Nabigla siya sa akin kanina dahil bigla ko nalang siyang pinaligo at pinabihis nang wala siyang kamalay-malay. I think she's still in her adjustment period.

"Kamila.." I called her name para na rin makuha ang atensyon niya.

Lumingon naman siya sa akin. "Bakit po, Ate?" tanong niya sa akin at tipid na ngumiti.

"Fill this form up, okay? Lalo na yung may mga check." sabi ko sa kaniya.

"Sige po." she obediently said at saka sinimulang fill-upan ang form.

Mabilis na nafill-upan ang form at ang kailangan nalang gawin ay hintayin ang card ngunit hindi pa ngayon kukunin. Kailangan pa naming bumalik next week para kunin ito dito. Sasamahan ko nalang ulit si Kamila.

"Napag-usapan na po namin ni Lola na baka sa community college nalang ako mag-aral kaya.. hindi ko naman po kailangan pa ng ganoong kalaking pera." she reasoned out habang kumakain kami.

"Kamila, iba pa rin kapag sa magandang paaralan ka nag-aral at alam kong hindi mo naman sasayangin ang perang ibibigay ko sa'yo." sabi ko. "You're a very smart girl. I mean, kahit nga hindi kita bigyan ng pera, kaya mong makapasok sa matataas na universities dahil matalino ka naman. You can get a scholarship."

"Hindi lang din po kasi tuition fee ang magiging problema kapag nag-aral po ako sa gaanong klaseng paaralan." sabi nya. "Hindi po ako nababagay doon. Pakiramdam ko po'y male-left out ako. Pati na rin ang mga gastusin sa projects at mga libro. Paniguradong mahal 'yong mga 'yon."

Among The StarsWhere stories live. Discover now